Chapter 08
Mad
Lumapit ako sa lamesa na kinauupuan nila Maris. Nginitian ko siya pati si Tita na nasa tabi niya.
"Hello, Tita!" bati ko saka ay umupo sa tabi ni Maris.
Nginitian ako nito pabalik.
"Oh, Laurie! Kumusta?" tanong nito sa akin.
"Ayos lang po, Tita!" sagot ko.
"Rie, ang yaman nila Harvey, ano? Tignan mo iyong mga bisita nila, minsan nga nakikita ko iba diyan sa mga patalastas ng sabon o pabango, e!" bigla akong kinausap ng isang kaklase ko sa katabing lamesa.
Tumango ako, sumasang ayon sa kanya saka ay naglibot ng tingin.
Maingay ang paligid. Pinaghalong tugtog at ingay ng mga bisita. Ang pinaka malaking lamesa rito ay lamesa ng mga tingin ko ay kamag-anak nila Harvey. Magaganda ang damit ng halos lahat. Si Maris nga ay nakabistidang kulay dilaw. Maganda iyon na nakakapagpalitaw sa kanya sa iba.
As I roamed my eyes around, nahagip ng mga mata ko si Jana, ang kapatid ni Harvey na nakilala ko kahapon. Palabas siya ng kanilang double door na main door. Sinalubong siya ng isang Tita niya at ginulo ng bahagya ang kanyang buhok. Sumimangot ang masungit na Jana pagkatapos ay nagmano na sa kanyang Tita.
Inilibot niya ang tingin niya sa paligid hanggang sa makita niya ako. Mabilis akong ngumiti at kumaway sa kanya. Her eyes widened before running towards where I am sitting.
"Ate Rie! Dumating kayo!" masayang sabi niya. "Look at my dress, ang ganda, 'di ba po?" umikot ikot siya habang hawak ang laylayan ng kaniyang bistida.
Naka kulay pink siyang bistida na hanggang ilalim ng tuhod niya. Maganda ang design noon at ang manggas ay bahagyang palobo. May suot rin siyang kumikinang na kwintas na bumagay sa damit niya.
"Ang ganda nga... Cute!" sabi ko at mahinang kinurot ang pisngi niya.
She giggled.
"Si Kuya Bruce po pala? Hindi ko pa po siya nakikita." takhang tanong niya at inilibot ang tingin.
"Uh, nagbibihis siya, sa loob ng bahay ninyo." paliwanag ko.
Kumunot ang noo niya. "Po? Why po? Did he went here naked?"
Naitikom ko ang bibig ko para pigilan ang sarili sa pagtawa.
"H-hindi-"
"Who went here naked, little Jana?"
Natigilan ako sa pagsasalita nang marinig ang boses ni Bruce. Mula kay Jana ay umangat ang tingin ko sa lalaking naka polong kulay green na naka tucked in sa kanyang shorts na itim. Nakasuot ng kitang medyas na stripes at rubber shoes na puti. I looked at Bruce's face and saw her big and round eyeglasses.
Napasinghap ako. Pinigilan ko ang paghinga ko para hindi humaglpak ng tawa dito. Pero hindi ko kaya dahil may pilit pa ring lumalabas na tawa mula sa bibig ko.
Bruce looked at me and lifted his left eyebrow. Ngumisi siya pero nang makitang tawang-tawa na ako ay ngumuso siya at tinignan ang sarili.
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko at yumuko sa lamesa.
Ang cute ni Bruce! Hindi nga bumagay sa suot niya ang medyas at mukha siyang nerdy guy from 19th century. Natatawa ako sa hitsura niya pero hindi ko maiwasang mamangha.
"Kuya? Paano niyo po ako nakilala?" inosenteng tanong ni Jana.
Doon ko na hindi napigilang matawa. Hindi siya nakilala ni Jana! Humawak ako sa tiyan ko dahil sa sakit no'n kakatawa ko. Nakayuko pa rin ako at pilit na itinitigil ang sariling tawa dahil baka makaagaw ako ng atensyon pero hindi ko lang talaga mapigilan.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?