Chapter 14

64 12 1
                                    

Chapter 14

With You

Nang matapos ang graduation ay nag-unahan ang mga estudyante sa stage para magpakuha ng litrato kasama ang mga magulang nila o ang mga kaibigan.

Pinuntahan ako nila Mama at Papa. We took a lot of selfies together. Lumapit sa amin si Maris kasama ang kaniyang Mama at nag offer na kuhanan kami. I agreed and gave her the cellphone. Pagkatapos ay sila naman ang kinuhanan ko ng Mama niya.

"Halika! Punta tayo doon, picture tayo nila Harv and Bruce!" Maris grabbed my arm.

I looked at my parents. Si Mama ay nakikipag kuwentuhan na sa Mama ni Maris.

"Ma, Pa, doon lang po kami." paalam ko.

They nodded their head kaya naman tuluyan na akong hinatak ni Maris papunta sa kung saan.

I saw Bruce and Harvey with their parents. Kaagad nila kaming nakita.

"Congrats, mga hija!" magiliw na sabi ng Mama ni Bruce. Si Tita Beatrice.

"Thank you po!" Maris and I replied.

"You all did a great job, pagbutihin niyo pa sa senior high, alright?" said by Harvey's Mom— Tita Diane.

"Oo nga, alam mo naman ang squad nila! Ang saya na nagkakilala silang apat. They made a great team! You know, palagi sila sa bahay para mag-aral." Tita Beatrice praised us.

"Right..." Tita Diane looked at us with soft eyes. "I'm so proud of you all." naiiyak na sabi nito at inabot ang katabi niyang si Harvey para yakapin.

Harvey groaned.

"Mom, Tita, tama na ang drama. Go, take a picture of us!" he suggested.

"Yes, oo nga pala, puwesto na, tabi tabi kayo!"

Tita Beatrice slightly pushed us toward Bruce and Harvey. Nakipag fist bump ako sa dalawa. I grinned at Bruce.

"Congratulations!"

He gave me a wink and pulled me beside him.

"Congratulations too..."

"Wait, I hired a camera man. Sandali, I'm gonna call him." sabi ni Tita Beatrice at umalis.

"Oh yes, done with the junior high school stress!" Harvey shouted.

We laughed at him.

"Yes, and welcome to more stressful senior high school." sarkastikong ani Bruce.

"As if naman na-stressed ka, Harv, you only play mobile games!" Maris laughed at him.

Mabigat siyang inakbayan ni Harvey at tinakpan ang bibig.

"Shh! Marinig ka pa ni Mommy!"

Bumalik na si Tita Beatrice, may kasama na itong Camera man.

"Doon ho tayo, sa may halamanan para maganda ang background." The Camera man suggested.

Sinunod namin siya at pumunta kami doon, kung saan may mga bulaklak at mukhang maganda ngang pwesto para sa picture taking.

Inayos ng Camera man ang kaniyang DSLR camera at itinutok na sa amin. Nanatili na ako sa tabi ni Bruce habang sa isang tabi ko naman si Maris at ang sa gilid niya ay si Harvey.

"Okay, 3,2,1!"

We all just smiled at the camera. The camera clicked at tinignan iyon sandali ng Camera man.

"Isa pa, 3...2...1!"

Inakbayan ko ang dalawang katabi ko in a boyish way. Si Maris ay nag peace sign naman habang parehong nakangiti lang sila Harvey at Bruce.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon