Chapter 05
Game
Napaawang ang labi ko habang inililibot ang tingin sa labas ng bahay nila Suzi.
Sinundo kami kanina ng driver nila Suzi sa harap ng school. Iyon ang naging bilin niya sa amin kanina, na magpapadala siya ng isang driver na susundo sa amin at magdadala sa amin sa kanilang mansiyon.
Malayo palang ang sasakyan ay tanaw ko na ang kalakihan ng bahay nila Suzi. Nagsusumigaw ng karangyaan ang kanilang tahanan. Sa labas palang ay kitang kita kung gaano kamahal ang nagastos nila sa pagpapatayo nito.
Ang pader na bumabalot sa paligid ng kanilang bahay ay tama lang ang taas para matakpan ang halos kalahating tangkad ng bahay nila. Kulay itim ang kanilang malaking gate na kumikintab.
Nang matapat ang sinasakyan namin sa gate ay unti-unti itong bumukas. Walang nagbubukas dahil kusa ang pagbubukas nito!
Tumambad sa amin ang malawak na harap ng kanilang bahay. Bahagya akong napasinghap. Malinis at ang damo ay halatang naalagaan at buhay na buhay ang kulay. May ilan ka pang makikitang paru-paro na nagliliparan.
Nang magpark ang kotse na sinasakyan namin ni Maris ay mabilis kaming lumabas. Pareho kaming nakanganga, namamangha sa nakikita.
"Ang ganda... Alam kong mayaman sila Suzi pero hindi ko inakalang ganito kayaman!" Maris said with amusement.
Ibinaba kami ilang metro ang layo sa harap ng main door ng mansiyon nila Suzi. Maya maya ay lumabas mula roon si Suzi, may kasamang isang babae na nakaunipormeng pang katulong. Saglit itong kinausap ni Suzi bago pumunta sa amin. Bumalik naman ang Yaya sa loob ng mansiyon.
Nakangisi kaming sinalubong ni Suzi. Impit namang tumili si Maris at patakbong pinuntahan ito.
"Ang ganda ng bahay niyo!" puri ni Maris.
"Thank you..." Suzi replied.
Naglakad ako palapit sa kanila. Napatingin sa akin si Suzi at nginitian ako. I smiled back at her.
"Sorry kung medyo makalat ang paligid."
Mabilis kaming umiling iling ni Maris sa sinabi niya.
"Ang linis nga, e!" sabay naming giit.
Napatawa si Suzi.
"Let's go inside. Nagpahanda ako ng lunch." sabi niya at pumasok ng kanilang Mansiyon.
Sinundan namin siya ni Maris. Pagkapasok ay muling lumibot ang paningin namin. Kung ang labas ay maganda, mas maganda pala ang loob! Napaka maaliwalas ng kanilang bahay.
Pumunta si Suzi sa kanilang malawak na dining table. Doon ay may mga nakahandang pagkain sa hapag.
Narinig ko ang singhap ni Maris habang nakatingin roon.
"Mananghalian muna tayo!" anyaya ni Suzi at naupo.
May dalawang Yaya ang nasa magkabilang gilid. Ganito ba sa kanila araw-araw? Pati pala ang pag kain ng kanilang amo ay babantayan!
Nahihiya kaming umupo ni Maris. Nahihirapan kaming magsalita sa sobrang ganda at laki ng bahay nila.
"This is a beef steak, kumakain ba kayo nito?" ipinakita sa amin ni Suzi ang plato na may mga bahagyang bilugang beef.
Alam ko iyon pero hindi pa ako nakakain!
"Nakatikim na ako niyan, isang beses..." sabi ni Maris.
Suzi nodded. Ipinakilala niya pa sa amin ang mga hindi pamilyar na putaheng nasa lamesa nila. Sobrang pang mayaman.
Kumuha kami ni Suzi ng sakto para sa amin. May hawak kaming tinidor at kutsara habang si Suzi ay may maliit pang kutsilyo.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?