Chapter 01

236 17 11
                                    

Chapter 01

Gaze

Napatitig ako sa matalim niyang mga matang nang-aasar. Mabilis at mabigat ang paghinga ko sa galit, hindi naka sagot sa sinabi niya.

Damn, ang bilis ng tibok ng puso ko! I'm not sure why I'm getting this heart attack pero sigurado akong sa inis iyon! Smack lang 'yon pero naiirita ako.

He raised his eyebrow on me. Sa kilos niyang iyon ay maraming mga pangyayari ang nag flash back sa akin. It's been what? 5 or 6 years?

I met him when we were both in 5th grade of elementary. 10 years old ako at sa unang kita ko palang sakanya ay itinuring ko na siyang karibal at kaaway.

Sikat siya sa school namin dahil sa itsura niya. Maraming nagkakagustong babae sakanya. Hinahanggan siya dahil sabi nila, guwapo na nga, matalino at sporty pa. Ika nga nila noon, siya daw ang pinaka ideal man sa batch namin. Pero hindi dahil sa mga iyon kaya itinuring ko siyang karibal. Hindi dahil sa nakukuha niyang atensyon dahil hindi ko naman gusto ang spotlight.

May isang babae kaming nagustuhan. That was the reason why I hated him to the bone.

Batang bata palang ako mahilig na 'ko sa larong panlalaki. Siguro dahil na rin lumaki akong kalaro ang mga lalaki kaya naging ganoon. Hindi naman gano'n ka big deal 'yon, napansin ko lang din nang naiirita na ako sa mga lalaki sa tuwing nakukuha nila ang atensyon ng mga babaeng kaibigan ko.

Noong medyo lumaki ako narealized ko na yung galawan ko hindi kagaya sa ibang mga babae. Very boyish ako compared to them. Si mama naman ay napapansin 'yon kaya pasimple akong inilalayo sa mga kaibigan kong lalaki. Palagi pa akong gustong bihisan ng sobrang girly, pati ang ipit ng buhok na kinaiinisan ko naman.

"Mama! Ba't naman ganito ang inipit mo sa'kin? Tirintas!" pagrereklamo ko nang makita ang sarili ko sa salamin.

Agad kong tinanggal ang pagkakaipit ng buhok ko.

Wala pang tatlong segundo ay dumungaw agad si Mama sa pintuan ng kuwarto. Her eyes widened nang makita ang ginagawa ko.

"Laurie Azia! Anong ginagawa mo? Bakit mo tinatanggal!" napahawak ito sa noo habang pinapanood ako.

"Mama! Sabi mo simpleng pony tail lang? Ginawa mo pong braid eh!"

Sino bang tao ang magugustuhan ang ipit na braid? Puwes kung sino man siya, napaka pangit ng taste niya.

Ibinagsak ko ang buhok ko na bahagyang naging kulot dahil sa pagkakatanggal mula sa braid. Sinuklay ko ito gamit ang daliri ko. Saglit kong iniwan ang salamin para kunin ang sumbrero ko. Sinuot ko iyon at napalitan ang lukot kong mukha nang isang masayang aura.

Ito, ito ang gusto ko. I smirked. Wala nang mas gu-gwapo pa sa'yo Rie.

Tumalikod ako sa salamin at nakita si Mama na hindi maipinta ang mukha. Napangiwi ito nang makita ang ayos ng buhok ko lalo na ang sumbrero na dinagdag ko pa.

Napangisi nalang ako lalo saka dinampot ang bag ko. I went out of my room and went straight to the kitchen to find what food I would bring.

"Anak! Hindi ba't bawal mag sumbrero sa klase?" sinundan ako ni Mama at tumayo sa likod ko. Kinuha ko naman na ang baunan ko at pinasok sa bag.

"Mama, syempre tatanggalin ko rin po 'to pag nasa klase na o kaya flag ceremony..." giit ko.

Umalis ako ng kusina at kinuha na ang itim kong sapatos na pang eskwela. Nanatili namang nakasunod sa akin si Mama.

"Osige..." naglakad ito papasok sa kwarto nila ni Papa.

Sinuot ko naman na ang sapatos ko at inayos ang collar ng blouse ko na naipit nang isuot ko ang backpack ko.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon