Chapter 15

77 6 2
                                    

Chapter 15

Picture

"Wow! Let's take a picture! Ganda pala rito. Guys!" a girl from the star section shouted.

Mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita na ang lawak ng campground. Marami ring mga payat at matatangkad na puno sa paligid. Sobrang kulay berde ng paligid.

"We will all take a picture later! Boys, help us with these please!" ang teacher nila ang tumugon.

Kasalukuyan na nilang hinahanda ang mga tents. May mga tumutulong na mga lalaking tao sa campground para itayo ang tent. Ang mga lalaki rin ng star section ay tumutulong.

Kahit maaraw na ay napaka lamig pa rin. Kahit nakasuot na ako ng jacket ay tumatagos sa tela ang lamig. For sure, mamayang gabi ay giginawin ako.

Ang mga babae ay pakalat kalat na sa paligid. Pero wala namang lumalayo ng sobra. Ang iba sa kanila ay nagpapakuha na ng litrato sa arawan. They're all noisy.

I'm currently sitting on a stone at pinapanood ang mga gumagawa ng tents nang biglang may umupong babae sa tabi ko.

"Hello, sinama ka ni Bruce?" tanong nito.

I greeted back. "Uh, yes? Ang mga kaibigan ko ang nag imbita sa akin na sumama."

Napatango siya. "Ah... Sila Harvey, Bruce at Maris?"

"Oo."

The girl looks friendly. Hindi naman siya mukhang mataray at magsusungit dahil close ko si Bruce. Siguro ay wala itong gusto kay Bruce. I hope so. Bakit ba lahat ay nagkakagusto do'n?

"Ma'am, may pond po rito 'di ba?!" nanlalaki ang mata ng lalaking nagtanong.

"Yes! Pupunta tayo roon mamaya."

Naghiyawan sila. Tuwang-tuwa sa narinig. I got excited too. Maliligo kami!

"Wow! Puwede po bang magsuot ng bikini, Ma'am?" humalakhak ang isang babae na katabi ni Via.

Pinagtatampal siya ng mga katabi niya dahil sa sinabi. Humalakhak ang ibang mga nakarinig dahil sa kabaliwan nito.

"What? You can wear shorts and a sando instead, Ms. Santos." umiling-iling ang teacher.

Napanguso naman iyong babaeng nagtanong. She has a great body. I can already imagine her with a bikini and her guy classmates drooling over her body. Siguradong sobrang ganda noon sa kanya.

"Hello! Laurie!"

Napatingala ako sa lumapit na lalaki sa akin. Ito yung nasa bus kanina na nagtulak sa lalaking katabi niya.

"Hi."

"Buti ay sumama ka! First time mo ba 'to? Camping?" he asked curiously. Nakangiti siya sa akin at may hawak na tumbler.

Dapat ay nandoon ito ngayon sa kinaroroonan ng mga lalaki niyang kaklase at tumutulong sa pag-aayos ng tents pero nandito siya.

"Yup..."

"Pwede kang makisama sa mga kaklase kong babae. Like Winnie, Aya, Ciana, naroon sila." nilingon niya ang kinaroroonan ng mga babaeng kasalukuyang nagtatawanan. He then turned to me again and chuckled. "For sure, magiging close mo silang lahat!"

Tumango nalang ako. I better be with my friends pero ayos lang na makihalubilo rin sa iba. Basta ay kumportable ako.

"Yohan, dito ka na! Stop talking to your crush!"

Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang may sumigaw mula sa grupo ng mga nag-aayos ng tents. Nagtawanan sila roon. Ang katabi kong babae ay tumawa rin.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon