Chapter 03

90 10 1
                                    

Chapter 03

Plan

"Ganiyan ka na ba kabastos ngayon?" I told him after a few flashbacks to our first encounter. Matalim ang titig ko sa kanya.

The side of his lips rose. "What about you, Rie? After almost 6 years, mas lumala ka ba?" umigting ang panga niya.

Hindi ako umimik. Tinitigan ko lang siya. Ilan na kaya ang mga naging babae niya? Ilan bago si Zane at ilan pa matapos ang pinsan ko? Nalulungkot ako na nasasaktan at naiinis. Hindi ko alam, nagkahalo-halo na. Hindi siya ganito noon.

Or... did I turn him into this?

"Aalis na 'ko." matigas na boses kong sabi.

Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nasa bewang ko at lumabas ng condo niya. Bakit ba kami nagkita pa? Ganito ba kaliit ang mundo? Sa daming pwedeng maging babae niya, naisama pa ang pinsan kong inggrata.

I started walking towards the elevator. Gusto ko nang makaalis dito. Parang may kung anong bagay dito na nakakawala ng hininga.

"Ba't ka pa bumalik?"

Natigilan ako. Parang may nabasag sa puso ko dahil sa tanong niya. Bakit nga ba? Hindi ko alam pero isa lang ang alam ko, it's not because of him.

"Wala ka na do'n." tanging sagot ko at dumiretso na sa elevator. Hindi na siya nilingon pa.

Damn you Zane, sasampalin talaga kita para mawala ang kalasingan mo. Traydor!

Naabutan ko siya sa backseat ng kotse na nakahiga. Tulog at mahinang humihilik. I sighed. Gusto ko siyang sampalin kaya lang ay kawawa naman. Binuksan ko ang pintuan ng backseat at inayos ang higa niya.

Dumiretso na ako sa driver's seat at pinaandar na ang kotse pauwi. While on our way home, walang tigil ang mga boses ni Bruce sa utak ko. Paulit-ulit. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. I bit my lower lip while staring at the red light in the stoplight. Sa ipinakita niya kanina, masasabi kong galit na galit siya. I tsked after I remembered the kiss. Hinampas ko ang manibela. Ako pa raw ang 'di pa nakaka moved on!

"Zane!" nag-aalala si Tita Louie nang makauwi kami.

Nakapantulog na siya pero maliwanag pa rin sa buong bahay kahit gabing gabi na. Mukhang sobra itong nag-alala sa anak kaya hinintay bago matulog. Ganiyan si Tita Louie sa anak niya, only child si Zane kaya alagang alaga at spoiled na spoiled.

Sinalubong niya kami at tumulong sa paglabas ko kay Zane sa kotse.

"What happened?" tanong niya sa akin.

"Naabutan ko siyang lasing na lasing sa bar Tita..." I answered slowly while lifting Zane's arm.

Tumulong si Tita at siya na ang nag-akay kay Zane papasok ng bahay. Kinuha ko naman ang mga gamit ni Zane sa kotse at sumunod na rin sa loob.

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Tita pagkapasok ko. Dahan-dahan niyang inaakay si Zane paakyat ng hagdanan. Mabilis akong tumakbo para tumulong.

"Sino bang gumawa nito kay Zane, Rie?" Tita asked me. Nag-aalala ang mga mata but I can sensed a bit irritation from her.

Naitikom ko ang bibig ko. What should I say? That it's Bruce Marco Gil? Naipakilala na kaya ni Zane si Bruce kay Tita nung naging sila? Pero kung naipakilala niya, hindi magtataka ng ganito si Tita kung sino ang dahilan ng pagiging broken hearted ng anak niya. Kung ganoon... Hindi pa?

Hindi nalang ako sumagot. Sila na ang bahala ni Zane mag-usap. Sa tingin ko rin naman ay wala akong karapatang sabihin sa kanya ang lahat lalo pa't walang malay ang anak.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon