Chapter 26
Sick
"Here," Chard handed me a cup of coffee.
Unti-unti kong kinuha iyon kahit wala pa masyado sa sarili. I heard him sigh. Napatingin ako sa kanya at binigyan siya ng maliit na ngiti.
"Thanks..."
"Are you okay now?" marahan niyang tanong.
Dahil sa tanong niya ay muli kong naalala ang nangyari kanina sa Ospital. Muli na naman akong unti-unting napahagulgol ng iyak.
"Shit." he whispered and quickly pulled me into a hug.
"I'm sorry... I know you're not okay, but please calm down. Magiging okay pa ang Mama mo, Rie." aniya.
Nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya habang marahan niyang hinahagod ang likod ko bilang pag-aalo.
Mabilis kaming natulungan ni Chard kanina para madala sa ospital si Mama. Sabi niya ay dadaan sana siya sa bahay dahil may ipinapabigay si Rosie para sa aming project. Pero nagulat siya nang makita akong natataranta sa gitna ng kalsada at umiiyak.
Mabilis kaming nakapunta sa ospital at madaling naasikaso si Mama. Si Papa ay nakatulala at pabalik balik ang lakad sa hallway na kaharap ng kwartong kinaroroonan ni Mama. Ako naman ay umiiyak at punong-puno ng pag-aalala para kay Mama.
I don't really know what happened. Ni hindi ko alam kung ilang oras nang nakahandusay si Mama roon sa kwarto nila ni Papa. Pareho kaming abala ni Papa sa ibang bagay kaya hindi na naalala pa kung anong ginagawa ni Mama.
Napayuko ako at mas lalong naiyak. Naikuyom ko ang mga kamay ko na nakapatong sa aking tuhod.
What if ang matagal niyang pagkakahimatay at nakahandusay lang sa sahig ay makakapagpalala pala ng sitwasyon niya? We haven't had her taken to the hospital immediately! What if Mama has a sick and that would make her situation worse!
Punong puno at patuloy ang pasok ng mga negative thoughts sa isipan ko. I can't help but think of what happened to Mama. Sana ay maging maayos siya agad.
I felt Chard's hand slowly enveloping my right fisted hand. Napalingon ako sa kanya. Nasalubong ko ang mga mata niyang punong-puno ng pag-aalala.
Kahit kanina ay nataranta rin siya sa kalagayan ni Mama. I'm thankful to him and Rosie because it would have taken us much longer to go to the hospital if he hadn't come.
"Baka ay kailangan mo nang umuwi, Chard. Salamat sa pagtulong sa amin para madala si Mama sa ospital." sabi ko.
"Dito muna ako... Baka may pwede pa akong maitulong saka... Magkaibigan naman tayo, hindi ba? My shoulders are free, if ever you need a shoulder to lean on."
I chuckled. Napangisi siya dahil doon.
"That's right, puwede ka namang tumawa. Huwag ka nang umiyak diyan, maybe your Mom fainted just because of fatigue or something."
Tumango ako. Bahagyang tumigil ang negative thoughts sa utak ko. Gusto kong maging positibo para maging maayos din ang lagay ni Mama sa loob.
I closed my eyes and silently prayed for my Mom to be okay. I know You'll make my mother okay, Lord.
Nang maupo si Papa ay saktong lumabas ang isang doktor mula sa kwarto kung saan pinasok si Mama. Mabilis kaming napatayo at hinarap ang doktor.
"Doc... Kumusta ang asawa ko?"
Ngumiti kay Papa ang Doktor at lumipat ang tingin sa akin.
"Kayo po ba ang kasama ng pasyente?"
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?