Chapter 07

79 11 2
                                    

Chapter 07

Birthday

Tahimik ako habang nilalagpasan ang room nila Suzi. Recess at kasama ko si Maris papuntang canteen.

"Ate? Ba't 'di niyo na kasama si Suzi? Pansin ko lang po..."

Bumagal ang paglalakad namin ni Maris nang biglang magtanong ang isang kaklase ni Suzi na nasa gilid ng hallway.

Dalawang araw na ang lumipas mula ng araw na iyon. Hindi na namin muli pang nakita si Suzi na bumalik ng school noong araw na iyon. Kaya naman ay naiwan sa amin ang notebook niya. Hindi na namin iyon binasa pa ni Suzi. Ang ilang sentences lang na nabasa namin ay sapat na para malaman kung ano ang nilalaman ng notebook na iyon. Obviously, diary iyon ni Suzi.

"Hindi na kasi kami ano, e..." si Maris ang sumagot. Hindi siya kumportable at nauutal.

Kumunot ang noo ng nagtanong sa amin. I sighed. Hahatakin ko na sana si Maris dahil hindi naman namin kailangang sagutin ang tanong na iyon pero humarang sa daraanan namin ang isang babaeng hindi na kami pinapansin.

"My notebook... Nasa sa iyo?" she asked.

Ang amo pa rin ng mukha niya. Hindi ko maisip na nagawa niya kaming plastikin lang. Itinuring namin siyang totoong kaibigan.

Inilabas ko sa bulsa ko ang diary niya at inabot sa kanya. I heard her gasp. Kinuha niya iyon at mabilis na itinago sa bulsa.

Nasa bulsa ko iyon palagi dahil matapos ang nangyari, palagi niya na kaming iniiwasan. Gusto ko siyang makausap. Pero siya ang umiiwas. Ngayong araw ay ang una niyang pagpansin muli sa amin.

Suzi started walking to leave. "Suzi..." tawag sa kanya ni Maris.

Nilingon ko si Maris at naiiyak itong nakatingin kay Suzi. Suzi stopped and turned her gaze to Maris.

"Hindi mo ba talaga... K-kaming tinuring na... Kaibigan?" mahinang tanong niya.

Napasinghap ako. Suzi gritted her teeth. Diretso ang tingin niya sa mga mata ni Maris.

"Binasa ninyo ang diary ko..." mariing ani Suzi. Tumango siya. "Yes, I've never treated you as my friend. Pakealemera... Pinatunayan niyo lang sa akin na tama lang ang ginawa ko sa inyo."

Kumunot ang noo ko sa inis. Hindi siya ang Suzi na nakilala namin! Ibang iba na siya!

Pero hindi... Hindi siya nag iba dahil noon pa man ganito na siya, ito ang totoong Suzi at ang kasama namin noon ay ang Suzi na may maskara.

"Pero... Suzi, I want you to know that I treated you as my best friend." malungkot na sabi ni Maris.

Hinawakan ko siya sa braso at bahagyang hinila.

"Sana masaya ka, Suzi. Itinapon mo ang mga kaibigan na totoo sa'yo." I said.

She looked at me for 3 seconds. Umalis na rin siya agad at pumasok muli ng kanilang classroom.

"She's made in China..." mahinang ani ko.

Napalingon sa akin si Maris na bahagya na palang umiiyak. Inakbayan ko siya at ngumisi nalang para malighten up and mood.

"Pangit mo pag umiiyak, tumigil ka Maris!" pinitik ko ang tainga niya.

Suminghot siya.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala." giit niya.

I smiled bitterly at hinatak na siya muli papuntang canteen. I guess we're back in eating snacks with just the 2 of us, again.

Pagkahapon matapos kong mananghalian sa bahay ay dumiretso na ako sa pwesto namin ni Bruce sa ilalim ng Mahogany tree. Pagkarating ko ay naroon na siya pero kumunot ang noo ko nang makitang may kausap siyang bata.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon