Chapter 23
Courting
"Kanina ka pa nakangiti..." puna ko nang masulyapan si Bruce na nakahilig sa balikat ko.
Ngumuso siya at bahagyang tumingala para makita ako. Kanina pa malawak ang ngiti niya simula nang pumunta kaming Chinese restaurant at hanggang ngayong papunta na sa bahay. Pasipol sipol din siya na animo'y napaka ganda ng araw niya. Pumayag lang naman akong magpaligaw.
Napapangiti na rin ako dahil sa mga ngiti niya.
He played with my fingers. Mas lalo siyang dumikit sa akin na parang may space pa sa pagitan namin.
I giggled and looked at our hands.
Narinig ko ang bahagyang pagtikhim ni Manong sa harapan.
My gaze flew to the rear view mirror. Napaayos ako ng upo nang makitang nakatingin din doon si Manong kaya naman nakikita niya kung gaano kami kalapit ngayon ni Bruce.
Nag-init ang mukha ko at sinubukang bawiin kay Bruce ang kamay ko. Muli siyang tumingala sa akin dahil sa pagtataka.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata at bahagyang inginuso si Manong.
Nakakahiya! Baka kung ano pa ang sabihin ni Manong. Although, kilala ko naman si Manong at nakakakuwentuhan namin siya minsan ni Bruce sa kotse. Mabait ito at madalas kaming binibigyan ng mga payo simula noong bata pa kami. Dahil siya ang driver nila Bruce simula pa noon ay parang natunghayan na rin nito ang paglaki naming dalawa.
Nang makita ni Bruce na nakatingin nga sa amin si Manong ay umayos ito ng upo. Bumalik naman na sa daan ang tingin ni Manong.
Bruce didn't even move an inch away from me. Nanatili siyang nakadikit sa akin. I saw a ghost of smile on his face as he tried to get my hand again.
I glared at him but he didn't seem to care.
"I like you... Rie..."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang sabihin iyon. Hindi man lang pabulong! Siguradong dinig na dinig na iyon ni Manong at kung magaling si Manong ay siguradong alam niya na kung anong mayroon sa amin ni Bruce ngayon!
Hinampas ko siya sa kamay pero tumawa lamang siya. Tuwang tuwa pa.
I looked at the rear view mirror again and saw Manong watching us. Nakaawang na ang labi niya at mukhang nagulat sa narinig.
"Nililigawan mo na si Laurie, Bruce?" tanong nito.
I bit my lower lip.
"Yes, Manong..."
Narinig ko ang halakhak ni Manong. Nakatingin na muli siya sa kalsada.
"Sabi ko na nga ba at darating kayo sa ganiyan, e. Kitang-kita ko na simula pa noong bata kayo na pupuwedeng maging kayo paglaki."
Bruce chuckled. "Talaga po?"
"Pero huwag niyong kakalimutang bata pa rin kayo ah? Mag focus pa rin kayo sa pag-aaral."
Pareho kaming tumango ni Bruce roon. Alam kong kahit na sagutin ko si Bruce ay hindi mawawala ang pag-aaral bilang aking priority. Alam kong ganoon din si Bruce.
"Kailan mo ba balak sagutin 'yang alaga ko, Hija?" tanong ni Manong, tunog nang-aasar.
Napalingon ako kay Bruce at saktong tumingin din ito sa akin at nagtaas ng isang kilay. The corner of his lips arch upwards.
I raised an eyebrow at him too.
"Tingin niyo po Manong? Sagutin ko po ba? Patagalin po natin ng ilang taon?" asar ko.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?