Chapter 13

81 12 0
                                    

Chapter 13

Graduation

Everyone gave peace to each other as the priest finally gave the signal to do so.

I turned to Bruce and slightly smiled at him.

"Peace be with you." sabi ko.

He smirked at me. "Peace be with you, Rie."

Lumingon naman ako sa kabila ko at ganoon rin ang sinabi. Ganoon rin ang ginawa ni Bruce sa taong nasa harapan at likuran namin.

After the mass, lumabas na kami ng Simbahan. Hinawakan niya ang braso ko at hinatak papunta sa isang fast food chain sa harap ng simbahan. Pumasok kami roon at agad kong namataan sina Harvey at Maris na nasa iisang lamesa. Maris waved at me when she saw me.

Kumalas naman ako sa hawak ni Bruce at nauna nang maglakad papunta sa table.

"Bakit kayo nandito? Kanina pa kayo? Sana ay nagsimba na kayo! Mga anak talaga kayo ng kadiliman, e." bungad ko sa kanila.

I heard Bruce laughed behind me. Nang mapansin kami ni Harvey na gumagamit ng cellphone ay ibinaba niya na iyon at tumingala sa amin.

"Hey! Nasa misa kami, ano! Nasa likuran lang kami dahil late kami." ani Harvey at ngumiwi sa akin.

"Just sit, Rie. Order na, Harv! This will be our last order sa paborito nating kainan na grade 10 pa tayo! Graduation na natin bukas at malapit na tayong mag senior high, ang bilis ng panahon!" sabi ni Maris.

Hinatak ko ang upuan sa tabi ni Maris at naupo na. Bruce talked to Harvey about basketball at nagkaroon na naman ng sariling mundo ang dalawa. Tinapik ni Bruce ang balikat ni Harvey. They walked towards the counter to order for our food.

"Take out!" pahabol na utos ni Maris.

Nang mag grade 9 kami ay palaging sumasali sila Bruce at Harvey sa basketball every intrams. Nagtuloy-tuloy iyon hanggang grade 10.

Ako naman ay minsang napapasali sa volleyball while Maris was part of the hip-hop dance group of our school.

"I don't know if I can survive my strand!" ani Maris.

Inismiran ko siya. "Kaya mo 'yan 'no!"

We talked about our strand while waiting for the two. Pagkabalik nila dala ang take out na order ay lumabas na rin kami ng fast food chain.

"Daan tayo sa grocery, bili tayo chips." sabi ko.

They all agreed kaya iyon nga ang ginawa namin. We bought two large chips na magkaiba ang flavor. After that, dumiretso na kami sa bahay nila Bruce. Balak naming mag movie marathon at mag-stay doon hanggang hapon. We just walked until Bruce's house. Ang kanilang mga kotse kasi ay abala. Hindi rin naman iyon ganoon kalayo mula sa pinanggalingan namin.

We were greeted by Manang Vivian pagkarating sa bahay nila. Dahil madalas kami rito ay kilalang kilala na kami ng mga katulong nila. Kabisado ko na rin ang mga pangalan nila.

"Kumusta po, Manang Vivian!" bati ko.

"Kumusta kayo! Naku, malapit na kayong mag senior high, tama ba?" tinignan niya kami isa-isa.

Si Manang Vivian ay mahigit 50 na ang edad. Ang pamangkin niya ay dito rin nagtatrabaho. Dahil sa katandaan ay namumuti na ang mga buhok nito at bahagya nang kulubot ang balat. Pero si Manang ang pinaka kausap namin dito dahil mabait siya at tagahanda palagi ng aming makakain.

"Yes, Manang..." sagot namin.

Dumiretso kami sa living room at naupo sa U-shaped na couch nila Bruce. Nilapag namin ang supot ng mga binili sa maliit nilang lamesa. Si Bruce naman ay umakyat saglit sa kanyang kuwarto.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon