Chapter 10

70 11 7
                                    

Chapter 10

Mine

I'm smiling from ear to ear while watching my little chick. Malikot ito at kung saan saan nagpupunta. Kulay dilaw ang maliit na sisiw at napapangiti ako sa kada ingay niya. Sobrang cute.

"Oopss!" 

Iniharang ko ang palad ko sa pupuntahan niya dahil mahuhulog na siya sa nag-iisang baitang ng hagdan na kinauupuan ko.

"Dito ka lang..." sabi ko sa kanya at marahan siyang binuhat at dinala muli sa gitna.

Muli itong nag ingay at naglikot. Tumutuka tuka minsan ng kung ano sa semento.

"Ang cute niyan huh! Kailan ka bumili?" 

Napalingon ako nang biglang sumulpot si Bim. May hawak na naman itong junk food at umupo sa tabi ko. Pinanood niya ang sisiw na binili ko sa halagang bente pesos.

"Kanina, doon sa naglalako." I replied.

"Aalagaan mo hanggang lumaki? Tara, fried chicken natin kapag lumaki na!" anito.

I turned my head to him and glared at him.

"Alaga ko 'to! Hindi ko 'to lulutuin! Saka ibibigay ko 'to sa..." 

I stopped because I honestly don't know what should I call him. A friend? 

"Kaklase ko..." tuloy ko. 

Mas tama siguro ang term na iyon.

Tumango si Bim at sumubo ng pagkain niya. Sinubukan kong ipasok ang kamay ko sa tsitsirya niya pero hinigpitan niya ang hawak doon para di ako makakuha. Ngumuso siya at inilayo iyon.

I rolled my eyes at him. "Arte mo 'tol, Damot!" 

Sinimangutan ko siya at tumayo na. Binitbit ko ang sisiw ko.

"Sa'n ka punta? Laro tayo mamaya!" sigaw ni Bim nang palayo na ako.

Umiling ako dahil hindi ako makakalaro no'n. Pupuntahan ko si Bruce. 

"Next time, tol!" I shouted back.

Inayos ko ang sumbrero ko gamit ang isang kamay nang humangin. Agad ko namang ibinalik ang kamay ko sa sisiw dahil muntikan na itong malaglag. Hinaplos ko ang ulo niya.

"Ang cute mo! Tatanggapin ka kaya ni Bruce? Kaso baka hindi?"

My smile faded at the thought of Bruce wouldn't accept my apology gift.

Pero sino ba kasing magbibigay ng sisiw para lang mapatawad? Ako lang! Naisip ko lang naman kasi ito nang pauwi na at nakita kong may nagbebenta ng sisiw.

"Akin ka nalang kung ayaw niya," 

I went straight to our school's waiting shed to wait for Bruce. Tahimik ang labas ng school. 

1:39 pm na at nasa school pa rin si Bruce. Kanina kasi ay kinausap siya ng aming English teacher. Siya ata ang isasabak sa spelling bee na labanan ng bawat section.

Hindi lang kasi sa Math magaling si Bruce, nag e-excel rin sa English ang kengkoy.

Ang alam ko ay uuwi siya ng mga 2pm. That's what Harvey told me.

Umupo ako sa upuan ng waiting shed at ibinaba ang sisiw na dala ko nang biglang kumulog. Tumingala ako sa kalangitan at doon lang napansin ang makulimlim na panahon. Kanina ay sobrang init lang pero ngayon ay bigla- bigla nalang magbabago! 

Napabuga ako ng hangin. Uulan pa yata.

Pinanood ko nalang ang sisiw ko habang naghihintay. Palibot-libot siya sa buong waiting shed at kapag lalabas na ay saka ko lang hahabulin at ibabalik sa gitna. 

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon