Chapter 25
Help
Ang sinabi ni Bruce na uumpisahan ang project ko ay halos matapos niya na kung hindi lang ako nagising.
Malaki ang naging tulong niya roon para mapadali ang proseso sa ibinigay na project. Halos siya na nga ang naging katulong at partner ko roon dahil ang partner ko ay bibihira ko lang na makita.
Simula nang ibigay ang project ay dalawang beses pa lamang kami nagkakausap tungkol doon. Una ay noong pagkabigay at pangalawa noong dalawang araw pagkatapos na maibigay. Her rare appearance makes my head ache.
I texted her again. Kunot na ang noo ko habang muling pinapasadahan ng tingin ang labas ng coffee shop na kinaroroonan ko. Wala pa ring bakas niya na paparating.
I looked at my phone. Biglang lumabas sa screen nito ang pangalan ni Bruce na tumatawag. Sinagot ko iyon at dinala sa tainga ko.
"Bruce..."
"I'm done. Papunta na ako riyan, nandiyan na ba ang partner mo?" aniya. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kotse.
I sighed. "Wala pa... 30 minutes at kapag wala pa siya..." bigo akong napatingin sa laptop ko na naka bukas sa harapan ko.
Kahit na hindi nagpapakita kadalasan, Rosie never failed to send what she needs to send me. Kaya lang ay kapag may kailangan kaming pag-usapan ay palaging hindi siya active makipag usap. Kapag phone calls naman ay hindi pa rin maayos kaya I want to meet her personally if we have something important to tackle.
Ang kaso, she rarely go to school. Hindi ko nga alam kung paano pa nakakapasa ang babaeng iyon.
"Don't worry, I'll help you with that anyway. Just don't include her name on your project. Include the name of your soon to be boyfriend, instead." dama ko ang kaseryosohan ng boses niya sa una pero naging mapaglaro na ang tono sa huli.
Napairap ako sa ere at bahagyang napatawa sa huli niyang pangungusap. He easily made me laugh even when I'm kinda stressed.
"Ewan ko sa'yo."
Narinig ko ang halakhak niya. "Just don't stress yourself too much. You don't need her to finish that project."
Hindi nawala ang ngiti sa labi ko nang matapos ang tawag niya. Any minute from now, nandito na siya. He told me last night that he'll fetch me after my meeting with Rosie and then we'll eat together.
Pagkababa palang ng cellphone ay biglang may tumawag na naman. Sa pag-aakalang si Bruce ulit iyon at may nakalimutan lang sabihin ay napangisi agad ako pero nang mapansing si Richard pala ay bahagya iyong nawala.
"Hello?" bungad ko.
"Nandiyan na ba si Rosie?"
Sa lahat ng stress ko sa hindi pagpapakita ni Rosie ay si Richard ang napagbubuntungan ko.
"Your cousin isn't here yet! Ni hindi ko nga matawagan kanina. Naiinis na ako sa pinsan mo, ha!" I said.
I heard him laugh. "Call her again, basta sinabi niyang pupunta siya ay tutuparin niya iyon. I know my cousin."
I sighed.
"Do you know where is she now? Sigurado ka bang sisiputin ako no'n?"
"Yes, Rie. Parating na 'yon."
Pagkasabi niya noon ay lumipad ang tingin ko sa labas ng coffee shop. Mabilis kong nakita si Rosie na bumaba sa front seat ng isang mamahaling kotse. Suot ang maiksing shorts at crop top shirt ay kitang kita ang ganda ng hubog ng katawan nito. May ngisi sa kanyang labi habang nakadungaw pa rin sa loob ng kotse. Mukhang kausap ang driver noon.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?