Chapter 06

68 9 2
                                    

Chapter 06

Never

My smile widened. Hindi ako makapaniwalang nanalo ako! Kinagat ko ang dulo ng plastic ng tubig para magkabutas iyon at saka sumipsip.

Ano kaya ang magiging utos ko sa kanya?

Bruce ran towards me. I grinned at him.

"Panalo ako, panalo ako!" asar ko rito.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin niya sa damit ko. Kumunot ang noo ko.

"What are you wearing, Rie?" inis na aniya.

Bigla niyang hinablot ang tshirt ko na nakasabit sa aking balikat. Mabilis niya iyong inalagay sa dibdib ko para matakpan ang katawan ko.

"Ba't ka naman naghuhubad?" sinamaan niya ako ng tingin.

My lips parted in shock and confusion. Kahit kailan ay wala namang nagreklamo sa pagsasando ko lamang kapag naglalaro. Maliit palang naman ako at ang katawan ko. Ayos lang naman iyon. Wala rin namang nakakapansin at hindi rin ako pinagsasabihan ng mga magulang ko. This was just the only time na may nagreklamo.

"Huh? Tumigil ka nga! Ang init kaya!" giit ko sa kanya.

Inalis ko ang t-shirt sa dibdib ko at muli itong isinampay sa balikat ko.

"Iniiba mo lang ang topic dahil panalo ako, e." asar ko at nginisihan siya.

Umiling siya at inirapan ako. I handed him the Ice tubig. Kinuha niya naman agad iyon at binutasan para makainom. Matalim pa rin ang tingin niya sa akin.

"Hmm... "

Idinikit ko ang malamig na Ice tubig sa pisngi ko habang nag-iisip. Iniisip ko na kung ano ang iuutos ko sa kanya.

"Umuwi ka na, matutuyuan ka ng pawis." bilin niya bigla.

Naningkit ang mga mata ko. Akala mo naman siya ay hindi pawis.

"Huwag ka ngang umiwas! Sasabihin ko pa ang iuutos ko sa'yo na kailangan mong sundin, 'no!" sabi ko.

"Edi sasama ako sa bahay niyo..." he replied at itinaas-taas ang magkabilang kilay.

"Heh! Ano ka? Hindi ka welcome do'n!"

Umalis ako sa harap niya para magpaalam na kanila Bim.

"Bim, uwi na ako," tumingin rin ako sa mga iba pa naming kalaro at kumaway.

Kumaway sila pabalik sa akin kaya lumabas na ako ng court.

"Sige! Ingat, Rie! Bruce, dito ka muna!" rinig kong sigaw ni Bim nang makalabas na ako.

Inubos ko ang Ice tubig ko at itinapon ang supot sa basurahan.

Hapon na at marami nang mga bata na naglalaro sa labas. Maingay at marami ring mga magulang na nagkukuwentuhan. This is a normal afternoon in our street. But it feels good to live in a place like this kahit minsan ay maririnig mong may mga nag-aaway na magka-kapitbahay. Masaya at mararamdaman mong normal ka talagang bata.

"Rie!"

Napahinto ako nang marinig ang boses ni Bruce. Lumingon ako sa kanya at nakitang patakbo siyang lumalapit sa akin.

"Where's your house?" tanong niya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Huh? Sasama ka? Ano ka? Uwi ka na!" pagtataboy ko dito.

"What? You're so harsh on me, Rie, kanina ka pa." aniya, ngumunguso.

"E, bakit kasi sasama ka pa? Hindi ka pa ba hinahanap ng magulang mo? Yung driver mo baka nandiyan na 'yon!" litanya ko, malapit na kami sa bahay.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon