Chapter 24
Jealous
As expected, tinadtad kami ng mga tanong nila Maris at Harvey. Nagtatampo sa akin si Maris dahil hindi ko raw sinabi agad samantalang sinabi niya sa akin noon nung nililigawan pa lang siya ni Lander.
"How dare you, dude... Sabi ko ako dapat ang unang makakaalam!" ani Harvey.
Humalakhak si Bruce.
Maris whose in front of me glared at me. Punong-puno ng pagtatampo ang mga mata niya.
"Hindi ako makapaniwala... Kung hindi pa namilit ang babaeng iyon kay Bruce, hindi pa namin malalaman!"
I pouted.
"Sorry na." I told Maris.
Umiling si Lander habang kumakain. Nakangisi siya.
"But now, nalaman na natin. You're finally a fifth wheel, Harvey."
Napatigil sa pagsubo ng chips si Harvey at napasimangot.
"Mga traydor... I hate you all."
I laughed.
"Maghihiwalay rin kayo ni Maris, and Rie won't say yes to you, Bruce!" sumpa pa nito.
"Damn you, she'll say yes to me. Sigurado na 'ko do'n." ani Bruce.
I looked at him and raised a brow. Wow, siguradong sigurado?
"Don't be such a bitter boy, Harv. Go to your girl and confess!" Lander said.
Inismiran nalang siya ni Harvey at hindi na pinansin. He turned to me, instead.
"Can't believe you, Rie. Buong akala ko babae rin ang gusto mo?" inirapan din ako nito.
I shrugged. Akala ko rin, Harv. Akala ko rin.
"Well me, I know na magiging babae pa talaga ang kaibigan ko. Ship ko na nga sila ni Bruce noon pa." Maris glanced at Bruce and winked.
Napailing nalang ako at kumain habang nakikinig sa mga reklamo pa ng dalawa.
Ngayon na marami nang nakakaalam tungkol sa panliligaw ni Bruce, siguradong kakalat na iyon sa buong school. For sure a lot of his admirers will be shocked and will hate me.
Ang alam nila simula noong una ay magkaibigan lang talaga kami.
I felt Harvey leaned over me to whisper something.
"Patagalin mo ng isang taon. Pahirapan mo."
I chuckled.
"Hindi nga, seryoso nga. Pahirapan mo... Pagselosin mo habang nililigawan ka. Huwag mo ipahalatang gusto mo rin." aniya pa at mahinang humalakhak.
I shook my head, natatawa sa kanya. Inis na inis talaga dahil hindi namin sinabi sa kanya agad.
"Pa'no mo nasabing gusto ko siya?" tanong ko at nagtaas ng kilay.
Sumubo siya ng chips at tinitigan ako.
"Hindi ba?"
"What do you think?"
He glanced at Bruce. "You don't like him."
Napatawa ako. Naramdaman ko ang inuupuan ko na nausog papunta kay Bruce. Napalingon ako sa kanya at nakitang nakasimangot na ito sa akin. He looked at Harvey and frowned even more.
"What are you two talking about?"
Umiling ako, nakangiti pa rin dahil sa kaninang pagtawa.
"Wala, dude. We have a secret, hindi mo pwedeng malaman." rinig kong sabi ni Harvey at inakbayan ako kahit na medyo napalayo ako sa kanya dahil sa ginawang pag hatak sa akin ni Bruce.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Roman pour AdolescentsHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?