Chapter 22
Like
Suot-suot ang isang jacket at jersey shorts ay lumabas ako ng bahay. Kahit na medyo namamaga ang mga mata ay pinilit ko pa rin.
I opened our gate and saw Bruce leaning on his motor. Nasa akin agad ang mga mata niya.
I forcefully smiled at him. He only gave me a weak smile.
Inilagay ko ang mga kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket ko at lumapit sa kanya.
"Saan tayo?" tanong ko habang nakangisi.
Kumunot ang noo niya at bumaba ang tingin sa labi ko. He stared at my lips for a while. Nagtaas ako ng kilay sa kanya kaya umayos na siya ng tayo. Kinuha niya ang isang helmet niya at siya mismo ang naglagay noon sa ulo ko.
Napatitig ako sa mukha niya habang ginagawa niya iyon. Para siyang may malalim na iniisip.
"Let's go." aniya at sumakay na sa motor.
Hinawakan ko ang balikat niya at sumakay na rin.
"Hands, Rie."
Napalunok ako bago mabagal na pinulupot ang braso ko sa tiyan niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at natatakot akong marinig niya iyon kaya kahit nakapulupot ang braso sa kanya ay hindi ko idinikit ang katawan ko.
Pinaandar niya ang motor at nagsimula nang liparin ang buhok ko. Humampas sa amin ang malamig na panggabing hangin.
Ang nakita ko sa post ni Suzi ay hindi nawala sa isipan ko. I want to ask him why was he with Suzi earlier. Saan sila nagpunta, bakit nakatawa siya sa post at kung anu-ano pa.
But I can't. Because I don't want him to feel that I'm being a possessive friend. Baka mamaya ay mainis lang siya.
Biglang pumasok sa isip ko na paano kung sa ilang araw na magkasama sila ay naging malapit sila sa isa't isa? Paano kung narealized ni Bruce na hindi naman pala mahirap magustuhan si Suzi?
Kumirot ang puso ko nang maisip pa lamang na magka aminan ang dalawa at maging sila. At mapapalayo sa akin si Bruce.
Napahigpit ang hawak ng kamay ko sa tiyan ni Bruce. Napasulyap siya sa akin sa rear view mirror.
Hindi ko alam kung saan kami papunta. Pero sa lahat ng nadaraanan namin ay may magagandang view. Nakarating kami sa isang mataas na place kung saan kita ang magagandang ilaw ng gusali sa baba.
I slowly leaned my head on Bruce's back. Inayos ko ang pagkakapulupot ng braso ko sa tiyan niya.
I wonder why he suddenly invited me for a road trip tonight. Dahil ba naaawa siya sa akin? Kasi hindi niya ako nasipot kanina.
I sighed and closed my eyes. Is it too much to ask for us to always be this close to each other?
Naramdaman kong bumagal ang pagpapaandar niya kaya dumilat na ako. Napansin kong nasa park kami ng village nila. Madilim at tanging street lights nalang ang nagsisilbing ilaw.
Bumaba ako sa motor at tinanggal ang helmet na suot. Ganoon rin ang ginawa niya at itinayo lang ang motor sa gilid.
I walked towards the swing. Umupo ako roon. Mabilis rin akong sinundan ni Bruce at umupo sa katabing swing.
"What subjects did you review?" tanong niya.
Itinulak ko ng paatras ang duyan ng mahina. Bahagya kong inangat ang paa ko sa lupa para makaswing ng maayos.
"Hmm, ilan lang... Ikaw? Uh... H-hindi ka siguro naka review ngayon?"
Lumingon siya sa akin.
"I haven't. Sorry hindi ako nakarating sa bahay niyo."
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Teen FictionHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?