Chapter 12

66 10 6
                                    

Chapter 12

Idiot

They're right, time flies so fast if you're happy. Highschool problems and struggles came pero nagkakaroon pa rin ng daan ang kasiyahan.

Pagod kong ibinagsak ang patong patong na papel sa sahig ng classroom. Nautusan ako ng aming guro na ilipat ang mga patong patong na papel mula sa lumang faculty sa second floor papunta rito sa bakanteng classroom ng 4th floor. Great, right?

Pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang likod ng aking palad. Lumabas ako ng classroom at bumaba muli para balikan ang nasa lima pataas pang patong-patong na mga papel.

Pawis na pawis na ako at kahit nakatali pa ang buhok ko ay sobrang init pa rin.

Mula sa gilid ng building na kinaroonan ko ay rinig na rinig ang ingay na magmumukha sa court ng aming paaralan. May naghahanap na basketball doon. Laban ng grade 10 at grade 11. Bruce and Harvey are there, playing. Si Maris naman ay nanonood roon.

Pumasok ako sa lumang faculty. Huminga ako ng malalim bago ibinuhat ang patong patong na papel. Kung hindi lamang ako lumabas ng court kanina para mag Cr ay hindi sana ako nakita ng teacher namin at hindi na sana nautusan pa.

Paakyat ako ng hagdanan bitbit ang mga papel nang makasalubong ko ang dalawang mga babae. Tinitigan nila ako saglit bago sila nagkatinginan magkaibigan. I just ignored them and remained walking.

"Mabigat ba 'yan? T-tulungan ka na namin!" sabi ng isa sa kanila.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon sila. Marami akong nakasalubong na lalaki kanina pero walang nag volunteer na tumulong.

"Sure! Salamat!" I said, smiling.

"Uh... Saan mo ba dadalhin iyan?" tanong ng babaeng morena.

Minsan ko nang nakikita ang dalawang ito sa senior high school building.

"You can help me with this first tapos ay balik tayo mamaya para kunin ang iba." sagot ko.

They both nodded and helped me. Kumuha sila ng kaya nilang buhatin kaya unti-unting gumaan ang bitbit ko. Nang mailapag iyon sa classroom ay bumalik kami sa lumang faculty. Hinati nila ang isang magkakapatong na papel at pinaghatian iyong buhatin. Hinihingal na ako dahil kanina pa pabalik-balik pero dahil sa kagustuhan na matapos agad at makabalik na ng court ay hindi ko na binawasan ang isang magkakapatong patong at binuhat na 'yon ng diretso.

"Uh... you're friends with Bruce right?" nag dadalawang isip na tanong ng isa.

I knew it! Nilapitan nila ako dahil alam nilang kaibigan ko si Bruce.

Palihim akong napaismid bago tumango.

"Ang saya sigurong magkaroon ng kaibigan na kagaya niya ano? Matalino at sporty!"

I nodded without thinking.

"Uh... May girlfriend ba siya?"

Hindi ako sumagot. There! Tinatanong na nila. They like a guy whose younger than them.

Ilang beses pa kaming nagpabalik balik hanggang sa matapos na ang lahat. Bahagya silang hinihingal at dismayado dahil wala silang nakuhang impormasyon ni Bruce galing sa akin. Pinunasan ko ang pawis ko at natanaw si Bruce na papaakyat galing first floor. I looked at the two girls who helped me.

"Thanks for your help, napagod pa tuloy kayo."

Tumango sila at nasulyapan rin si Bruce na palapit na. He's holding my bag while his bag is on his left shoulder. Naka jersey pa siya at pawis na pawis rin.

"Uh... Pagod tayo! G-gusto niyo ng tubig?" natataranta ang morenang babae at pabalik balik ang tingin sa akin at kay Bruce.

"Rie," banggit ni Bruce nang makarating na sa tabi ko. Nasa akin ang mga mata niya.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon