Chapter 20
Date
I bit my lower lip while looking at my reflection on the mirror. Nakasuot ako ng isang bistidang asul na hanggang ibabaw ng tuhod. It's a blue slim chiffon high waist dress. May mahabang tali sa bewang na ginagawang ribbon sa gilid.
I look like a girl.
Regalo ito sa akin ng Tita ko noong mag 15 years old ako kaya bahagya nang umiksi. Kahit magandang tignan sa akin ang dress ay naninibago ako at naiilang. Ilang years yata akong hindi nagsuot ng bistida.
Umupo ako sa kama ko at isinuot ang white flat shoes. Tumayo muli ako at tinignan iyon sa salamin. I sighed. Ngayon na kami manonood ni Bruce nang sinabi niyang horror movie. And any minute from now, narito na siya.
Nilugay ko lang ang bagsak kong buhok. Walang kahit anong kolorete sa mukha ko. Although, my cheeks were slightly rosy. Ang labi ko talaga ang maputla.
Maya-maya ay nakarinig ako ng kotse sa harap ng bahay namin. Mabilis akong pumunta sa bintana at dumungaw. I gasped. Shit, nandito na siya!
Bigla akong nataranta at napatakbo papuntang wardrobe ko. No, no, no. Nakakahiya pala na magsusuot ako ng ganito sa harap niya! Ano bang iniisip ko? Manonood lang naman kami ng movie! Kung makapag ayos ako ay akala mo may date kami.
Mabilis kong hinablot ang high waist jeans ko at isang gray v neck shirt.
"Anak! Nandito si Bruce! Bumaba ka na riyan!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa baba.
Mas lalo akong nataranta. Hindi ko na alam kung anong uunahin.
"W-wait lang, Ma!" sigaw ko pabalik.
Tinanggal ko ang flat shoes ko at binato iyon sa kung saan. Mabilis ko ring tinanggal ang dress ko at ibinato iyon sa kama. Hindi ko maiwasang manghinayang. Mabilis iyon magusot kaya nahirapan akong iplantsa kanina. Ngayon ay nahihiya naman akong suotin.
I wore my jeans and shirt as fast as I could. Inipit ko ang gray shirt sa high waist jeans ko at huminga ng malalim. I went in front of the mirror and looked at myself.
Pinunasan ko ang ilang namuong pawis sa noo ko. Kinakabahan ako. I need to calm down first. Shit.
I heard a knock on my door.
"Rie?" boses iyon ni Bruce.
Nalaglag ang panga ko at sinipa ang flat shoes ko papunta sa ilalim ng kama. Kinuha ko naman ang sneakers ko at sinuot iyon.
"B-bukas 'yan!" sabi ko.
Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Bruce. He's wearing a black polo shirt and khaki shorts. Pagkapasok niya ay nalanghap ko agad ang mamahalin niyang pabango. Napanguso ako at umiwas ng tingin. He looks handsome with just his casual outfit. I can't imagine if I really continued wearing the dress. Masyado akong nag effort.
"Ready?" aniya at lumapit.
Umupo siya sa paanan ng kama ko. Ilang beses akong napahinga ng malalim. I really need to freaking calm myself. Palagi na akong natataranta sa harap niya.
Tumango ako habang isinisintas ang sapatos. Nang matapos ay tumayo ako at lumingon sa kanya. But my eyes immediately widened when I saw him lifting my blue slim chiffon dress. Kumunot ang noo niya nang matingnan iyon ng mabuti.
Mabilis kong hinablot sa kanya iyon. Ngumuso siya para magpigil ng ngiti nang lumipat ang tingin sa akin.
I avoided his gaze. Pulang pula na siguro ako! Nakakahiya, hindi ko pala naitago!
"Hindi akin 'to!" I lied.
His brow shot up. Lumapit siya sa akin at sinubukang kuhanin muli ang dress. Umatras ako at mas tinago iyon sa likod ko.
BINABASA MO ANG
His Enmity (His Series #1)
Fiksi RemajaHe embodies everything I despise in a man. I actually despised him the moment I saw him for the first time. He's my rival, but can a rival also be a friend? I don't like him, but why do I always have this strange feeling when he's around me?