Chapter 02

103 12 0
                                    

Chapter 02

Friends

"Who's your adviser, Suzi?" tanong ni Maris habang sumusubo ng hawak niyang chips.

"Si Ma'am Dela Cruz..." sagot ni Suzi. Medyo matagal pa siyang nakasagot dahil abala sa kung anong pagsusulat sa notebook niya.

"Hm... Ano 'yan? Diary?" Maris asked curiously habang bahagyang nakadungaw sa ginagawa ni Suzi. Pinitik ko siya sa tainga.

Nandito kami sa lamesa na nakapwesto sa ilalim ng puno. Dito ang pinaka magandang place sa school kapag mainit ang panahon. Open area ito at medyo malapit lang sa main gate kaya maraming estudyante. Wala pang klase kaya naman naisipan naming tumambay saglit.

"H-huh?!" mabilis na isinara ni Suzi ang notebook niya at inilayo kay Maris. Bahagyang namula ang mukha niya.

"Sorry, ganyan talaga si Maris, palaging curious..." giit ko at binalot ang mukha ni Maris gamit ang palad ko.

"Mhm-mm!" mabilis niyang inalis ang palad ko sa mukha niya at inirapan ako.

I laughed and turned to Suzi. Magkatabi kami ni Maris habang nasa harap namin siya. Nagulat ako nang makitang inaayos niya na ang mga gamit niya kaya napatingin ako sa oras.

"Pasok na siguro tayo?" aya ko.

"Tara..." mabilis na inubos ni Maris ang hawak niyang pagkain at ipinagpag ang kamay niya para maayos na rin ang gamit.

"Medyo masungit ang first subject teacher ko, kaya kailangan kong pumasok na..." sabi ni Suzi.

Tumango ako. "Hindi 'yan! Teacher namin 'yan last year at hindi naman gano'n kasungit, saka sa ganda mong 'yan, matatarayan ka ba no'n?" ngisi ko.

I heard her giggled. Napaangat tuloy ang tingin ko sa kanya galing sa bag ko. Hindi naman ito ang unang beses na narinig ko siyang tumawa pero 'di ko maiwasang hindi matuwa sa tuwing naririnig ang kalambingan ng tawa niya.

"I'm not that pretty... My cousins are prettier than me." ngumuso siya.

Oh my, don't do this to me please? Ang cute!

Sabay kaming naglakad papuntang classroom namin. Hinatid namin ni Maris si Suzi sa pintuan ng classroom niya bago tumuloy paakyat sa aming floor.

This is our fourth day of school. Sa dalawang araw na nakalipas ay medyo napalapit kami ni Maris kay Suzi. Transfery siya at sa room nila ay may mga circle of friends na raw na matagal nang nabuo kaya mahirap na ang makipagkaibigan. Kaya kami ang palagi niyang nakakasama sa tuwing recess, free time at paglabas ng school kapag uwian.

Syempre nakakatuwa iyon dahil napapalapit na ako sa crush ko.

Pagkapasok ng room ay dumiretso agad ako sa upuan ko. Nandoon na si Harvey at nakatayo sa gilid niya ang nakapamulsang si Bruce. Mukhang may pinag-uusapan sila na nakakatuwa.

Inilagay ko ang bag ko sa paanan ng upuan ko at umupo. Napasulyap sa akin si Bruce nang mapansin ako pero bumalik rin kaagad kay Harvey ang tingin.

Habang naghihintay sa guro namin ay naisipan kong lagyan na ng pangalan ang mga notebooks ko. Dapat noon ko pa 'yon nagawa pero isa akong dakilang tamad... na hindi dapat tularan.

Ang katabi ko ay patuloy na nakipagdaldalan sa kaibigan niya. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila at wala rin naman akong pakealam do'n pero paulit ulit kong naririnig ang salitang 'laro' at 'bola'. So siguro basketball? Are they planning to play basketball later?

Patapos na ako sa kahuli-hulihang notebook nang banggitin ni Bruce ang pangalan ko. Napalingon ako sa kanya.

"Can you move to the next seat? Pwedeng paupo muna sa upuan mo?" tanong niya.

His Enmity (His Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon