Sonya's Journal (10-24-21)
***Sonya's Journal
Ang bilis lumipas ng dalawang taon. Ang dami nang nagbago. Board passer na kami, maliban kay Ricky na hindi talaga nag-board exam at kay Seka na naghihintay pa rin ng resulta hanggang next week. Pangatlong beses na niyang nag-take ng board exam. Medyo confident naman daw siya na makakapasa siya kasi marami siyang alam sa exam ngayon. Sana nga. Kara naman, dalawang beses nakapag-take bago nakapasa.
These past few days, my mind is clouded by a series of thoughts to the point that if I am not able to write it, my mind will not be at peace.
Life update.
Nakilala ko na sa personal si Ate Aryana. First impression.. uhm mas matangkad ako sa kaniya kaya akala ko noong una nawawalang nakababatang kapatid namin siya. Charrr hahaha. Pero akala ko talaga noong una hindi siya katrabaho ni kuya. Mukha naman siyang mabait. Napansin kong magka-vibes sila. Ilang beses na siyang bumisita sa bahay at wala namang naging problema. Maliban nalang sa walang tigil na pang-aasar ko kay kuya. Haha.
Pero hindi ako talaga ako sanay na ngumiti nang ganoon si kuya kapag ibang babae ang kaharap. As in!! Kuya, wag ka munang mag-jowa!! :'<< Ang kapal kong mag-demand dahil nauna pa ako sa kaniya pero kasiii. Medyo masakit sa haaart. Ganito rin ba ang naramdaman niya noong nalaman niyang gusto ko si Kent at noong naging kami na? Kung alam ko lang e di sana pinauna ko muna siyang magka-jowa. Haysss.
Ang bilis ng panahon. Dati lang nakikipaglaro pa sa akin si kuya ng kung anu-ano. Ako kunwari ang nagluluto (gamit ang clay) tapos siya ang customer ko. Medyo malayo ang age gap namin pero nakikisakay siya sa trip ko. Nakakamiss. Nakakalungkot. Nakakaiyak. Ano rin kayang nararamdaman nina mama at papa ngayong tumatanda na sila pati ang mga anak nila?
Kaiyak talagaaa. Minsan gusto ko nalang bumalik sa pagkabata para nang problemahin. And guess what? Sinabi sa akin ni Kuya Mikee kanina na balak niyang ligawan si Ate Aryana. O di ba nagbibinata na rin si kuya?
Speaking of problema.... Miss ko na si Kent. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang makakain ko ang sinabi ko noon na madali lang ang LDR. Nagkikita pa naman kami paminsan-minsan kapag hindi talaga busy. At sa totoo lang, mas madalas pa nga kaming magkita kaysa mga kaibigan ko kasi di namin matyempuhan na kumpleto kami at walang ginagawa. Lalo na si Seka na nakalipat na sa Bacolod. Ang saklap :((
So ayun nga, si Kent... I kinda miss him. Hindi naman sobra kasi lagi naman kaming magka-chat. Pero iba pa rin kasi kapag nakikita at nakakausap sa personal. At isa pa, busy siya ngayon kaya late siya mag-reply. Hindi naman sa pagiging clingy pero 'yun nalang kasi ang pinanghahawakan ko sa ngayon. Btw, 2nd year na pala siya. Tinuloy niya ang pag-aaral para maging Lawyer accountant.
Bago kami magtapos ng kolehiyo, lagi kaming magkasama. MU kumbaga. Tapos bago rin matapos ang school year siya nagsimulang manligaw. Ilang buwan din 'yon. At sinagot ko siya nopng mga unang araw ng pasukan niya at ilang linggo bago ako magtrabaho.
Marami akong nakikitang broken relationship dahil sa napakaraming rason. Nagloko. Nagmahal ng iba. Nakulangan. Nalamang hindi sila para sa isa't isa. Nagmahal nang sobra. Nagbago. Nasakal. Napagod. Naubos.
Sana hindi kami humantong sa ganoon ni Kent.
May tiwala naman ako sa kaniya na hindi niya ako iiwan katulad ng ginawa ni Bryan. Don't get me wrong, Bryan and I are on good terms now. It's just that it took time before I finally got healed and before he was able to explain his side.Sana naman hindi kami totally mawalan ng oras sa isa't isa. O kung mangyari man, sana maging matatag ako.
Late reply na ulit si Kent. Ang kinaibahan lang ay wala nang dummy account at tunay na account na niya ang naka-log in sa phone niya.
Ganito pala ang pakiramdam ng maghintay sa reply. Nakakalungkot, depende sa ka-chat.
Sa umpisa lang ba talaga masaya?
Sana hindi.
-Sonya Marie Molina
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Teen FictionOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...