084// Sonya's Journal

25 4 7
                                    

Sonya's Journal (02-25-22)
***

Sonya's Journal

Weeks after New Year, naging busy na ulit si Kent. Noong unang week pa niya 'yon sinabi sa akin pero sumasagot pa rin naman siya tuwing nag-cha-chat ako. Mula noong nakaraang linggo lang ulit hindi. Tanggap ko na naman kasi hindi naman talaga dapat sa akin umiikot ang mundo niya. 

The thing is, he gave a small teddy bear last week. May kasama pa 'yong note na, "Sorry, I'm busy. To make it up to you, I gave you a simple present... a teddy bear. You can freely talk to him whenever you feel lonely. :) -Love, Kent". Ang cute ng teddy bear, kulay puti tapos may hawak na rosas, pero hindi naman niya kailangang gawin 'yon. Hindi naman sa pagiging choosy, sinasabi ko lang.

Tapos kanina lang, nagpadala ulit siya ng bagong regalo. Isang photocard naming dalawa noong pumunta kami sa resto no'n Pasko. Ang cute pero katulad ng sinabi ko kanina, hindi naman siya obligadong magbigay ng kahit ano dahil lang sa hindi siya nagre-reply. Isa pa, siguro hindi regalo ang language of love ko. Kaunting oras lang naman ang hinihingi ko sa kaniya kada linggo. Kaso imbes na 'yon ang ibigay, bagay ang ibinibigay niya. At sa totoo lang, hindi ako gaanong natutuwa.

Sinabihan ko siya noong isang araw tungkol sa pagbibigay niya ng regalo pero iginiit niya na maliit na bagay lang daw iyon. Nagmukha tuloy akong charity na kinaawaan. Hayst. Ewan ko ba, ang gulo namin ngayon.

Buti pa si Kuya Mikee, lume-level up na ang relasyon nila ni Ate Aryana. Bilang na lang yata ang araw bago magsimulang manligaw ni kuya sa kaniya. Good for them. I'm happy for them.

-Sonya Marie Molina

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon