126// Kent

24 3 20
                                    

A few months ago...

Kent Lim (December 02, 2023)
***

Kent Lim
Active now •

Sat 07:10

Kent Lim

Theo
✓seen 07:58

08:23

Kent Lim

Theo
✓seen 08:57

10:02

Kent Lim

Theo. Hehe. Reply ka please.

Theo Madrigal

What do you want? Just spill it.

Kent Lim

Sorry to disturb you

Kent Lim: is typing...

Theo Madrigal

Ano na? Sabihin mo na agad

Kent Lim

I have a favor to ask.

Again.

Theo Madrigal

Ayan ka na naman. Di pa ba sapat ang pagsagot ko sa mga tanong mo noon?

Kent Lim

I'm sorry.

Theo Madrigal

Para saan?

Kent Lim

Sa ginawa ko kay Sonya.

Theo Madrigal

Ba't ka sa akin nagso-sorry e hindi ko naman siya kapatid o gf

Kent Lim

Wala, pakiramdam ko lang kailangan kong humingi ng tawad sayo. Ipinagkatiwala mo kasi siya sa akin noon.

Theo Madrigal: is typing...

Theo Madrigal

Ano bang kailangan mo??

Kent Lim

Gusto kong bumawi sa kaniya. Naghahanap lang ako ng tamang tyempo para gawin iyon.

And I really need your help.

Theo Madrigal

Tungkol saan ba? Babawi? Baka paasahin mo na naman ang kaibigan ko ah.

May bago ka bang nililigawan? Kilala ko ba 'yon kaya ka ulit nagpapatulong sa akin?

Kent Lim

Hindi. Gusto ko lang ulit magpatanong kay Sonya.

Pwede bang patanong sa kaniya kung gusto niya pa rin ako?

Ay mali, kung mahal niya pa rin ako.

At kung handa ba siyang pumasok ulit sa isang relasyon.

Ay mali, kung gusto niya pa bang makipagbalikan sa akin.

Theo Madrigal

Hindi halatang aligaga ka. kalma, si Sonya lang yan. Mabait naman siya.

Kent Lim

Yun na nga eh. Mabait siya tapos sinaktan ko.

Theo Madrigal

Hayaan mo na. Wala na rin namang magagawa. At wala naman na siyang hinanakit sayo.

Kent Lim

Thanks for letting me know.

Theo Madrigal

Kung di lang kita kilala, di kita tutulungan. At kung di lang din dahil kay Sonya

Kent Lim

Salamat talaga

Theo Madrigal

Brb. Ipapatanong ko na lang kay Ricky

Wag mo na siyang sasaktan ulit kung sakali ah.

Kent Lim

I'll do my best.

Thanks. I owe you again.
✓seen 18:44

15:36

Theo Madrigal

I think she's not yet ready for commitment

But yeah, she still love you

Kent Lim

Seryoso??

Theo Madrigal

Oo.

Bakit?

Kent Lim

Ha?

Theo Madrigal

Ano ba talagang balak mo bukod sa pagbawi sa kaniya? Ba't gusto mo malaman?

Mahal mo pa ba siya at gusto ulit makipagbalikan? O gusto mo lang na mapatawad ka niya?

Siguro naman may karapatan na akong malaman kung bakit. Sinagot ko na ang mga tanong mo. Sagutin mo naman ang akin.

Kent Lim

Mahal ko pa siya at oo, gusto kong makipagbalikan.

Does that answer your question?

Theo Madrigal

Oo.

Pero sa tingin ko hindi pa siya handa sa ngayon. Mukhang kailangan niya ng oras.

Kent Lim

Then I'll wait for the day until she gets ready again.

I'll wait for her.

Salamat ulit.
✓seen 18:44

***

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon