Sonya's Journal (03-25-22)
***Sonya's Journal
Dummy account na naman? Kaya ba hindi siya nagre-reply sa akin dahil nakabukas na naman ang account niyang 'yon? Halatang dummy account kasi walang profile pic at cover photo. Wala ring naka-display na kahit anong friends, either wala pa siyang ina-add o naka-private lang.
Lakas maka-ghost ng pangalan niya ngayon, ah. Dati Baymax a.k.a. Bay Max. Tapos ngayon Casper na. Sabagay, ghinost naman niya ako ng ilang buwan.
Gumawa ba talaga siya ng bagong dummy account o dati pa 'yon? Tiningnan ko. Bagong gawa lang pala. Joined 2 hours ago. Lagi kaya siyang mag-oonline kapag ito yung gamit? Baka kaya siya gumawa ay dahil naka-block na siya sa tunay niyang account. Wala, eh. Nagpadala kasi ako sao noong nagtalo kami. More like ako lang ang nakipagtalo kasi neutral lang ang emosyon niya. Pero ngayon 'di na ako gaanong naiinis kaya gusto kong i-accept.
Ang rupok ko talaga. Ang traydor ng kamay ko, kating-kati na i-accept agad ang friend request kahit dalawang minuto pa lang ang lumilipas buhat noong i-add niya ako. Mamaya na nga langgg. Maghuhugas muna ako ng mga pinggan.
On the second thought, I'll give him another chance. I'll accept his friend request right away. Katulad ng sinabi ko noon, walang mapapala ang pagiging mataas ang pride.
Pero paano kung masaktan ulit ako? Hindi naman siguro. Hindi naman siya nambabae o ano. Nawalan lang talaga siya ng oras sa akin. Magkaibang kaso 'yon.
Fine, I'll let him explain. Katulad ng sinabi ni Kara, hangga't kaya pa, bakit ako susuko? Kung maaayos pa, bakit hindi ko papanindigan?
Sana lang talaga maayos pa.
-Sonya Marie Molina
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Teen FictionOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...