Sonya's Journal (05-07-19)
***Sonya's Journal
So ayun, nabasa ko na!! AAAAAAACKKKK. ANG BABAW KO YATA DAHIL KINIKILIG AKO. SHEMS, IBA ANG IMPACT KAPAG TAGALOG ANG GINAMIT, YUNG "Mahal kita". GRABE TALAGAAAA. SANA TRUE!!
TAPOS MAY SARILING TULA PANG KASAMA. POTEK, DAGDAG KILIG. Plus points sa puso ko. Hahahaha char 1/4.
No more cheesy lines daw pero may pa-thank you sa existence ko. Baka kapag nabasa ng iba , kilabutan sila. Well, wala naman akong pakialam dahil hindi naman yung iba ang sinulatan. AKO. As is AKO ang sinulatan at hindi ako kinilabutan! Nag-init lang ang pisngi ko. Hahaha
E di wow, mama!! Nabasa niyo po ang letter sa makabagong panahon. Haha char!! PERO SERYOSO, NABASA NI MAMA!! Bakit hindi siya nag-react?!!!! I mean, masaya naman ako dahil hindi siya nagtanong tungkol doon pero mas ayos pa yata kapag nang-asar o kahit komento lang. Hindi ko tuloy alam kung anong nasa isip niya.
So ayuuuun, di ba sinabi ko na hindi ako magkaka-jowa hangga't hindi pa ako nakakapagtapos sa pag-aaral? Tapos na ako ngayon, pwede na ba? Char. Hahahahaha.
Basta kahit anong mangyari, uunahin ko muna ang sarili ko at kapag naging handa na ako at mas mature, siguro iyon na ang panahon kung kailan ako papasok sa isang relasyon. Attt, sana makilala ko pa si Kent bago ko siya sagutin. Oo, 75% na yata na sasagutin ko siya kung sakaling hindi siya hihinto sa panliligaw. Pero depende pa rin. Basta kailangan ko muna siyang makilala. Hindi naman ako nagmamadali. Sabi nga nila, masaya raw maging single. Ie-enjoy ko muna. :))
-Sonya Marie Molina
P.S. pero ayaw ko naman sana yung katulad ni Kuya Mikee na hanggang ngayon ay single pa rin. Ewan ko kung may balak pa siyang magka-gf. Masyado siyang committed sa amin, eh. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindi.
P.P.S Sana magkaroon na ng kasintahan si kuya. Nakakahiya naman kung ako ang mauuna. 29 yrs old na yun at ako naman ay 21. Hahahaha. O di ba, ang tanda na niya
P.P.P.S I love you, kuya! Baka sakaling mabasa mo 'to at akalain mong bina-bash kita. HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Fiksi RemajaOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...