026// Sonya's Journal

35 3 11
                                    

Sonya's Journal (08-30-19)
***

Sonya's Journal


Know your priorities daw sabi ni Kent. Sino ba priority ko bukod sa sarili ko at pamilya ko? Mahal ko o mga kaibigan ko? Char! Tinatanong pa ba 'yon? E di syempre si ano... sina... parehooo!

Pero kanino ba ako sasama? Pwede bang magkulong sa kwarto nang buong araw at magpanggap na may sakit? Joke, lalong masasayang ang araw ko.

Kapag sumama ako kay Kent, baka hindi ako mag-enjoy dahil maiisip ko ang mga kaibigan ko. Baka isipin nilang kj ako. Atsaka minsan nalang din kami makumpleto sa galaan.

Kapag sumama naman ako sa mga kaibigan ko, baka isang taon (exaggerated. haha) pa bago kami makalabas ni Kent dahil weekdays and sched niya sa pag-aaral at weekends naman ako. Tapos may trabaho naman ako sa weekdays.

Pero paano ba kasiii?

Pati ba naman 'to pinoproblema ko. Pero kasiiii. Ang hirap. Halos magkasabay lang yata ng oras. Hindi naman pwedeng sumama ako sa mga kaibigan ko sa umaga tapos pupuntahan ko si Kent sa tanghali o hapon. Ang weird. Baka lalong hindi ako mag-enjoy. Haystt

Sa mga kaibigan ko, pwede naman kami laging magkasama. Hindi lang naman sa araw na yon. Kay Kent, ewan ko. Baka maging busy kami pareho dahil mag-aaral siya. Sige paulit-ulit ng paliwanag.

Anong gagawin kooo?

Malapit na yung Linggo!!

Tanungin ko kaya sina mama? Ay 'wag na pala, nakapagpaalam na ako sa kanila, eh. Baka sabihin niya si Kent nalang ang puntahan ko.

Eh kay kuya kaya? 'Wag na rin pala. Dahil wala siyang jowa, malamang sasabihan niya akong sumama sa mga kaibigan ko. Bitter 'yon, eh. Joke!

Pero ano na nga?? Journal, magsalita ka naman! Ngayon ko lang 'to hihilingin sa'yo. #stressedoversmallthing #mababaw #sendtips. HAHAHAHA

-Sonya Marie Molina

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon