Sonya's Journal (12-03-23)
***Sonya's Journal
Life update.
First of all, Ricky and Celina are engaged!! Syempre kasama kami noong nag-propose si Ricky kay Celina. Nasa isang maliit na resto kami no'n tapos walang gaanong tao. Pero ang totoo ay halos lahat ng malapit sa buhay niya ay naroon. Hindi niya napansin kasi hindi sabay-sabay pumasok at magkakalayo rin ng pwesto para hindi halata. Yep, ni-reserve ni Ricky yung venue. In fairness, ang cute ng reaksyon ni Celina nung biglang lumuhod si Ricky. At syempre kinuhanan din namin ng litrato at video si Ricky noong nag-"yes" si Cel. Priceless!! 'Di namin inakalang may ganoong siyang side bukod sa pagiging maloko. Ang kulit niya umiyak. Maski kami ay kinilig din kahit nanonood lang kami. Well, 'yon naman talaga ang kadalasang kinikilig. Mapapa-"sana lahat" ka na lang talaga. Hahaha jk.
Si Aisha naman, malapit na niyang sagutin ang manliligaw niyang si Addy. Naghihintay na lang yata siya ng tamang tyempo o kung kailan siya tanungin. First boyfriend niya 'yon kung sakali. Sana siya na. Mukhang bagay sila, eh. Kaso kasi kapag hindi, hindi talaga. Kahit bagay pa ang dalawang tao :)
Sign na talaga 'yon na tumatanda na kami. Isa na sa aming magkakaibigan ang ikakasal. Masaya ako para sa kanila. At may mga kaibigan na rin ako sa opisina. Sina Bert, Eunice, at Nathalie. Si Nathalie lang ang may kasintahan sa amin. Nararamdamn kong single ako kapag kasama ko siya at yung jowa niya. Hahaha. Third wheel.
At sa gc kanina, tinanong na naman ako ng mga kaibigan ko tungkol sa kaniya. At ang sagot ko? Hindi ako sigurado. Kasi alam kong hindi ko 'yon pwedeng isipin magdamag dahil wala rin akong mapapala. Hindi naman siya babalik kahit gustuhin ko. Hindi naman masasagot ang lahat ng 'sana' ko kung iisipin ko kung kaya ko bang makipagbalikan sa kaniya o hindi. At mas lalong hindi ko alam kung anong magiging ihip ng tadhana kaya hindi ako pwedeng magsalita ng tapos.
Btw, nabalitaan ko ulit sa post ni Tita Mariam na nakapasa na siya sa board exam. Lawyer Accountant na siya. Congrats! At doon, masasabi kong masaya na siya sa buhay niya ngayon kahit wala ako. Unti-unti naming nagagawa ang mga pangarap namin nang hindi magkasama. Baka itinadhana talaga kaming maghiwalay bago matupad ang pangarap ng isa't isa. Ako, sumasahod at nakakatulong sa mga gastusin sa bahay. Mas nagkakaroon ako ng "me" time at oras para sa mga kaibigan ko. Siya naman, natupad ang pangarap niya at ng mga magulang niya na maging Lawyer Accountant. Ang saya 'di ba?
Tanong: Mahal ko pa ba?
Sagot: Oo.Tanong: Masaya ba ako para sa kaniya?
Sagot: Oo.Tanong: Umaasa pa ba ako na magkakabalikan kami?
Sagot: Ano sa tingin mo?Haysss. Ah, basta. Magmahal man siya ng iba, hiling ko na sana ay mas maging matatag sila. At hiling kong pilitin niyang maging tamang tao para hindi sila maghiwalay ng taong 'yon. :))
Enough with that. Tungkol naman kina Kuya Mikee at Ate Aryana, official na rin sila. Sila na. 6th monthsary na nila next week. Yay!! As usual, parang single pa rin ang kilos ni kuya. Hindi pa rin siya ganoon ka-sweet kay Ate Aryana. Pero ayos lang naman daw kasi sanay na siya. Ang mahalaga raw, hindi lumilingon sa iba si kuya.
Ang bilis talaga ng panahon. Hindi ko namamalayan na tumatanda na ako. Pero wala pa naman akong 30 :">
-Sonya Marie Molina
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Teen FictionOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...