Sonya's Journal (03-05-22)
***Sonya's Journal
Backread na naman. Hindi ko maiwasan mapagkumpara ang sitwasyon noon sa sitwasyon ngayon. Paano ba naman kasi, noon si Kent ang madalas na unang nagcha-chat. Natatandaan niya rin ang lahat ng mga sinasabi ko sa kaniya. Pero ngayon... hays, ayoko na lang magsalita. Kababawan ko kasi.
Ang hirap naman alisin ng trust issue. Nasosobrahan ako kakaisip kung bakit siya ganiyan ngayon. Haysss.
Stay strong pa rin naman kami hanggang ngayon... strong pa rin nga ba? Ako, oo. Patuloy pa rin akong kumakapit. Ilang buwan na ang nakalipas buhat noong hindi ko siya gaanong makausap. Pero kapag nagkikita kami, kinakausap niya ako na para bang walang nangyati.
Ilang beses kong tinanong kung ayos lang siya pero laging oo ang sagot niya. Hinihintay ko siyang mag-open up pero hindi niya ginagawa. Ilang beses niya rin akong sine-seen at late reply. Ay ewan ko ba.
Ganito pala ang pakiramdam ng ma-seen ng taong mahal mo. Naranasan niya 'to dati noong anonymous pa siya. Teka ako bang pakialam ko? Hindi ako dapat maguilty dahil hindi ko naman alam dati kung anong intensyon niya. Eh siya alam niyang mahal ko siya pero sine-seen niya pa rin ako o kaya napakatagal bago mag-reply. Mas malala 'yon.
Para akong saranggola. Ang ganda ng simula. Tumaas ang expectation ko dahil sa mga ginagawa niya noon. At sa sobrang taas, noong hindi na niya naabot ay para na akong naiwan sa ere nang mag-isa. Nakakalungkot. Nakakatakot dahil baka umulan at bumagyo at wala akong kasamang harapin ang mga iyon. You know what I mean?
I never felt this before, not even with Bryan. Kasi sa kaniya, chill lang ang relasyon namin. Namroblema lang ako noong bigla niya akong iwan. Pero si Kent... kami pa rin naman hanggang ngayon pero hindi ko na siya gaanong ramdam. Mauulit na naman gaya ng dati? Ilang beses niya nang sinabi na dapat akong magtiwala dahil hindi siya katulad ni Bryan pero kasi... Si Bryan, akala ko ayos pa kami tapos biglang nakipaghiwalay. Si Kent, hindi kami naghiwalay pero pakiramdam ko ay hindi na kami ayos. O baka ako lang ang nakakaramdam ng ganito.
Bakit pakiramdam ko wala na akong halaga sa kaniya? Ilalaban ko pa ba o susukuan ko na?
O baka busy lang talaga siya at ako lang talaga 'tong walang tiwala?
Fine. Kakapit ako. Ilang buwan lang naman ang lumipas buhat noong maging busy siya at halos hindi ko na makausap. Sobrang babaw ko naman kung magagalit ako sa kaniya at hihiwalayan ko siya. Atsaka wala naman siyang sinabing ayaw niya na. Baka nga kababawan ko lang talaga ang lahat ng ito.
-Sonya Marie Molina
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Teen FictionOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...