060// Sonya's Journal

33 3 6
                                    

Sonya's Journal (11-12-21)
***

Sonya's Journal

Akala ko si Kent yung nag-chat. Si Seka pala. Ang tagal niya nang busy, ah. Isang buwan na yata. Wala ba akong halaga sa kaniya na kahit isang beses sa isang araw lang mag-chat? Imposible naman nawalan na siya ng wifi sa bahay dahil kailangan niya iyon. Ang hirap talaga kapag hindi nagkikita. Hindi ko naman siya pinaghihinalaan pero gusto ko kasing alamin ang paliwanag niya para malinawan ako at hindi tumalon sa maling konklusyon. Hobby ko pa naman 'yon.

At isa pa, busy rin naman ako pero naglalaan ako ng oras para sa kaniya. Kaloka, wala na akong maisip na dahilan para hindi siya mag-reply sa akin. Nagsasawa na kaya siya? Tinatamad? Na-realize na hindi naman ako gaanong mahalaga at may iba siyang priyoridad? T^T

Ayan na naman ako sa pag-o-overthink ko. Haysttt. Pero 'di ko kasi mapigilan, eh. Ayoko na kasing maulit ang nakaraan. Ayoko nang maging t*nga kung saan inakala kong ayos lang ang lahat. Hindi ako nakapaghanda. Wala manlang pasabi na balak na pala akong iwan. Ayan tuloy, iniwan na ako't lahat, umaasa pa rin ako. Wala, eh. Mahal ko.

-Sonya Marie Molina

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon