Sonya's Journal (02-14-19)
***Sonya's Journal
Halos dalawang buwan na ang nakalipas buhat noong magpakilala si Bay Max bilang Kent. At sa halos dalawang buwan na 'yon, bumalik ang nararamdaman ko sa kaniya noon. Lalo na noong nabasa ko sa diary na may gusto siya sa akin. Ganoon naman talaga ang mga babae (hindi naman lahat pero karamihan), saka lang magugustuhan ang isang lalaki kapag nalamang may gusto ito sa kanila. Well, depende pa rin naman sa lalaki at kung paano siya makitungo sa babae.
Kaya pala nagtanong si Kent kung nandito sina mama kanina dahil pupunta siya. Nagdala pa ng bulaklak at gitara para mang-harana. Nagulat ako dahil biglang may kumatok sa pintuan namin. Tapos saktong pagbukas ko ng pinto ay nagsimula na siyang mag-strum ng gitara. Uso pa ba 'yon ngayon?
Napansin ko ring maayos ang pananamit niya at istilo ng buhok. Halatang pinaghandaan niya ang araw na 'to. Bwisit talaga.
Tapos noong lumapit sina mama at papa sa tabi ko para alamin kung anong nangyayari, tumigil sa pagkanta si Kent at binati siya. Tapos nagpaalam siya kina mama bago magsimulang kumanta ng 'Harana'. At pumayag naman sila. Pinapasok pa nga ng bahay dahil kilala na naman. Pumunta na kasi siya rito sa bahay noong gumagawa kami ng props para sa school activity noon.
'Di ako makatingin sa kaniya sa sobrang gulat, hiya at 'kilig'. Bwiseeeeet. Kaya ang ending, iniwan ko siyang kumakanta sa sala at nagkulong na ako sa kwarto. Sina mama at papa na ang nakipag-usap sa kaniya. Buti nalang at hindi ako pinagalitan o inasar nina mama pagkaalis niya. Kinausap lang ako saglit tungkol doon.
Ang lakas magpakilig, ampp. Nakakahiya rin kay kuya!! Inintriga niya ako kahapooon. Ang dami niyang tinanong sa akin. Pero dahil hindi ako makasagot sa sobrang hiya, sina mama ang nagsalita. Inasar pa nila akong dalawa ni papa. Kesyo nagdadalaga na raw ako, gusto ko raw si Kent dahil marami nang nagbalak manligaw sa akin pero hindi ko pinapansin (bukod kay Bryan).
At sandamakmak na pangaral naman ang natanggap ko kay Kuya Mikee. Wala naman daw siyang problema sa manliligaw ko basta magtino ako at gawing priyoridad ang pag-aaral.
Bukod pa roon, si Kent lang ang dumiretso kina papa na magpaalam. Kadalasan kasi, ako ang nilalapitan at kinakausap ng mga gustong manligaw sa akin. Tapos kapag hindi ko sinagot, sumusuko na sila. Meron ding isa pang sumubok noon pero noong sinabi kong ipaalam niya ako sa magulang ko, hindi na niya tinuloy.
Pero inaamin kong kinilig ako nang sobra dahil sa ginawa niya. Biruin mo, crush ko noon, manliligaw ko na ngayon. Haha. Ang layo na niya sa Bay Max na nakilala ko. Haha.
Ganito pala ang pakiramdam kapag legal. Ang gaan sa loob kapag walang tinatago.
Sana maging masaya na talaga ako.
-Sonya Marie Molina
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Teen FictionOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...