093// Sonya's Journal

27 3 12
                                    

Sonya's Journal (03-19-22)
***

Sonya's Journal

Nakatanggap na naman ako ng regalo mula kay Kent kanina. Isang maliit na unan na may pillow sheet. Kulay puti iyon at may nakaburdang pangalan ko. Again, it's cute but not too cute enough for me to appreciate it. Don't get me wrong, wala akong paki kung malaki man o maliit, cute o hindi, magagamit o pang-display ang bagay na binigay niya. Ang sa akin lang, hindi talaga ako natutuwa.

Relationships won't work with just gifts. Hindi regalo ang kailangan ko kung hindi siya. Bumabalik na naman kami sa dati. Hindi na naman siya sumasagot  sa mga chat ko. Ang kinaibahan lang, nagbibigay na siya ng regalo. Pero walang pagkakaiba sa nararamdaman ko. Hindi pa rin ako natutuwa dahil hindi ako nadadala sa mga regalo. Siguro hindi iyon ang love language ko. Oras ang kailangan ko at hindi mamahaling gamit.

And speaking of regalo, may nagpapadala sa akin ng regalo habang nasa opisina ako. Ang mga natanggap ko na mula sa kaniya ay pabango, chocolate, at picture frame na may litrato ko mula sa fb. Ang creepyyyy. Mukhang hindi naman kay Kent galing 'yon.

At parang may instinct din ako na may sumusunod sa akin sa pag-uwi gabi-gabi. Baka guni-guni ko lang 'yon pero malakas talaga ang kutob ko, eh.

I'm always online but it feels that I'm really not. Siguro dahil ang passive ng chatbox namin ni Kent. Hindi naman sa kaniya umiikot ang buhay ko pero nalulungkot ako. At least nakaka-chat ko pa rin ang mga kaibigan ko hanggang ngayon kahit na mas matagal na panahon ang lumipas buhat noong huli kaming nagkita-kita sa personal. Sina Kara at Ricky lang ang nakita ko noong Pasko. Tapos si Kent din.

At kung sakaling ayaw na niya at napipilitan na lang siya, ako na ang kusang bibitaw. Ayoko na kasing maghabol sa taong hindi na ako gusto. Ayoko siyang pangunahan pero kasi parang ganoon na ang nangyayari.

-Sonya Marie Molina

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon