065// Kent

37 3 31
                                    

Kent Lim (12-08-21)
***

Kent Lim

Wed 18:38

Sonya

mag-aawol ka na ba? tagal mo nang di nagpaparamdam eh

para kang kabute na bigla biglang sumusulpot

tapos aalis nang di nagpapaalam

22:20

geh, sana masaya ka ngayon. wala pa ring sagot

pinalipas ko ulit ang ilang araw. umaasa akong ikaw naman ang unang magcha chat. kaso hindi eh. parang wala lang sayo

enlighten me please. nahihirapan ako
✓seen  22:48

22:48

Kent

Sinabi ko namang magiging busy ako sa mga sumusunod na linggo, di ba?

Sonya

busy rin naman ako pero nagagawa ko pa ring mag-text.

Hindi naman akoclingy. Minsan nga lang ako magtext sayo. Kinukumusta lang naman kita. Masama ba yon??

Sonya: is typing...

Kent

Hindi naman pero sa maintindihan mo na busy lang talaga ako. Wala naman akong ginagawang masama.

Sonya

wla akong sinabing may ginagawa kang masama. ang sakin lang, wala kang maayos na rason

tapos nag-hi ka kahapon na parang walang nangyari

Kent

Sabi mo kahit isang hi lang. Marami kasi akong ginagawa

Sonya

walang common sense ampp

ni-literal na isang hi. buset

Kent

Ano bang problema, Sonya? Bukod sa hindi ko pag-te-text sayo?

Sonya

Baka tulad ka rin ni bryan. Iniwan na lang ako bigla. nakapagdesisyon agad

Baka mamaya kapag bigla kang nag-text sa akin, sasabihin mo agad na maghiwalay na tayo.

Kent

May rason siya kaya niya ginawa 'yon. Pero alam ko namang mali pa rin.

Kent: is typing...

Kent

Ex mo ang gumawa no'n at hindi ako. Magkaiba kami kaya wag mo kaming ikumpara sa isa't isa

Are you doubting me now?

Sonya

Sinasabi ko lang naman!

tekakala ko ba busy ka? Bat nakakapagtext ka ngayon?

Kent

Ang hirap ng ganito.

Sonya

o ano? Sawa ka na??

Kent

Wala ka bang tiwala sa akin?

Hindi kita sasaktan tulad ng pananakit niya sayo

Sonya

Weh liar. Ni hindi ka nga sumasagot sa mga text ko

Kent

Ilang beses ko na ba sinabi sa'yo na hindi ako tulad ng ex mo? Busy lang talaga ako kaya hindi ako nakakapag-text.

Sonya

sana kasi magsabi ka. maiintindihan naman kita. hindi yung puro busy pero di ko namn alam ang pinagkakaabalahan

Kent

E di wala ka ngang tiwala sa akin.

Sonya

may tiwala ako. gusto ko lang alamin ang ginagawa mo para may ideya ako
✓seen 23:19

23:52

Sonya

Darn that seen

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon