022// Sonya's Journal

40 3 9
                                    

Sonya's Journal (08-22-19)
***

Sonya's Journal

Gusto kong jowa ay yung katulad ng kuya ko. Katulad lang, ah! Mabait sa magulang at kapatid.:) Though ayoko siyang ikumpara sa ibang lalaki dahil iba-iba naman ang mga ugali nila. Ayoko ring umasa dahil ako ang masasaktan at kasalanan ko iyon kapag nagkataon. Pero basta 'yon, gusto ko sana ng katulad ng kuya ko. Hahahaha. Demanding.

Aaminin ko, ganoon din naman si Kent. Haha. Trip ko lang na hindi iderekta. Btw, anim na buwan na siyang nanliligaw.

Late night talks. Sweet messages. Sweet gestures. Tipikal na manliligaw. Ang kinaibahan lang niya sa ibang mga nagbalak na manligaw sa akin, gusto ko siya. Oo, aminado na ako. Wala namang mangyayari kung itatago ko, eh.

I get to know him well through chats. I mean, kilala ko naman siya sa school at mas nakilala ko pala siya buhat noong inamin niya na siya si Bay Max. All I can say is I think we matched, at least for me. But still I'm waiting for the right time. Matched, for me, means that I can stand his attitude and he can stand mine. And it's not like a platonic relationship.

Ano kayang mangyayari sa susunod?

Pero sa totoo lang, sa bawat kabaitang ipinapakita niya ay hindi ko maiwasang matakot na baka may kapalit ang lahat ng ito. Baka darating ang araw na hindi na ako masaya. Baka mawala yung "spark" at kilig na tinatawag nila. Pero alam ko naman hindi lang 'spark' ang hinahanap at nagpapatakbo sa isang relasyon. Kailangan din ng tiwala, respeto, at paninindigan. Kaya ayun, I guess I'm a bit ready? I learned my lessons from my past relationship, by the way.

Hindi naman sa pagiging hopeless romantic pero sana siya na talaga. Ang corny ko talaga. Hahaha.

-Sonya Marie Molina

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon