069// Sonya's Journal

29 4 8
                                    

Sonya's Journal (12-10-21)
***

Sonya's Journal

On the second thought, hindi ako nag-reply kahit. Paimportante lang, sorry naman. Minsan lang 'to, hindi na ako uulit. Pagkatapos niyang mag-text ng ilang beses kahapon, hindi na niya ako kinulit. Hindi na siya nag-text ulit kinabukasan. Siguro nga dahil busy siya. 

Pero alam niyo yung nakakagulat? Pumunta siya rito kaninaaa. Sinuyo niya ako. 'Di naman kailangan, ehh. Magre-reply na sana ako kung sakaling nag-chat siya kahapon. Ayun, nagulat sina mama kasi hindi niya alam na nag-aaway kami. Well, hindi naman talaga kami nag-away. Ako lang talaga 'tong nagtampo kasi ang tagal na niyang hindi nag-cha-chat. Tapos paminsan-minsan lang mag-reply. Kaunting oras lang naman kasi ang hinihingi ko.

Nagdala siya ng ice cream at kung anu-ano pang pagkain na niluto niya. Nagkaroon tuloy ng piyesta rito nang 'di oras. Haha. Kidding aside, lalabas kami bukas, after work. Susunduin niya raw ako. Sabi niya, kailangan din naming mag-usap. Syempre pumayag ako. Hindi dahil sa pagkain o sa pagiging marupok ko, ah. Wala naman kasi akong makitang dahilan para tumanggi. 

Hoping for the best in our relationship. :))

-Sonya Marie Molina

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon