030// Sonya's Journal

28 4 22
                                    

Sonya's Journal (09-02-19)
***

Sonya's Journal

Part 3

Oo, nandoon talaga ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko. Kainis! Noong nagtama kami ng paningin nina Kara, nginisian nila ako at halatang nang-aasar. Tumanggi pa naman akong sumama sa kanila sa galaan. Maski si mama rin ay malokong tumingin sa akin. Samantalang parang pinag-aaralan naman nina Kuya Mikee at Papa ang  ko pero hindi sila nagsalita. Scary tuloyyy.

Pink Panther ang theme ng design sa loob ng kubo. Jokeee. HAHAHA. Pink lang. Pink balloons, confetti, at iba pang mga disenyo. May gumamela rin. Shucxs ako kahapon. AS IN. Nakasara ang mga bintana at pinto lang ang binuksan kaya hindi ko agad nakita. Pero noong pumunta nga ako roon saka ko lang nakita ang pinaghandaan nila. Kaya pala hindi ako sinundan ni Kent kasi tumulong din siya sa pagde-design. At nauna palang pumunta roon sina mama at mga kaibigan ko.

At dahil hapon na, nakapanood kami ng takipsilim. Gustung-gusto ko na nga ang beach, mas nagustuhan ko pa dahil sa sunset. Inaamin kong sobra kong na-appreciate ako sobra rin akong kinilig sa ginawa niya. 'Yon kasi ang ilan sa mga sagot ko sa fast talk namin.

So ayun, bukod sa first time kong makapanood no'n, kasama ko pa ang mga pamilya't kaibigan ko. At kasama rin si Kent. Mas masaya tuloy. #bestfeelingever

Nang lumubog na ang araw, pumikit ako at humiling habang magkadaop ang dalawa kong palad. Just like the other days, I prayed for happiness and good health. Not only for me, but also for my loved ones.

Pagmulat ko ng mga mata ko, nawala sa tabi ko ang mga kaibigan ko. Lumingon ako sa likuran at nakita ko sila na pinapalibutan ang isang tao... si Kent. Umiyak  ako nang sobra kahit wala pang nagsasalita. Sobra talaga akong na-touch sa ginawa nila. Nakakaiyaaaak.

Napamura rin ako at narinig iyon nina mama. Pda sa akin. Ni hindi nga ako makahinga no'n dahil sa nag-uumapaw na nararamdaman. At akala ko, ibibigay lang iyon ni Kent. Pero MAS nagulat ako noong lumuhod siya sa harapan ko at nagtanong kung pwede na raw ba maging kami. FUDGEEEEEE!!

Hindi ako nakapagsalita. Dinagdagan niya ang sinabi niya. Hindi niya raw ako minamadali. Kung ni-reject ko siya ngayon handa naman daw siyang maghintay. Kaya lang daw siya naghanda ng surprise ay para sabihing sigurado na siya sa akin.

Nag-night swimming din kami. Nagdala pala si mama ng mga damit ko. Shorts at puting damit. Buti naman. Hahaha. Hindi kasi ako nagsusuot ng two-piece swimsuit. Si Aileen lang ang nagsuot ng ganoon sa amin. Tapos naunang umuwi si Ricky kasi bawal daw siya magpagabi.

Noong inabot sa akin ni mama ang damit, bigla tuloy akong nahiya kay Kent. Nag-walk out ako dahil inakala kong pinagplanuhan niya na mag-beach nang hindi ako sinabihan.

Guess what?

Sinagot ko na siya. Kami na. Official na kami. Dating. Magkasintahan.

Kita ko sa ekspresyon niya ang saya noong sinagot ko siya pero hindi kami nag-PDA. HAHAHA. Hindi niya ako hinalikan o maski binuhat. Niyakap niya lang ako saglit. Medyo awkward kasi nakatitig silang lahat sa akin. Tiningnan pa nga ako ni kuya na parang nagsasabing "mag-usap tayo mamaya".

Pero hindi naman niya ako ginisa ng mga tanong. Binati lang niya ako at sinabing masaya siya para sa akin. Ang bait talaga ng kuya ko. <3

Pitong buwan nanligaw si Kent. Katulad ng sinabi ko noon, relasyon ang pinatatagal at hindi panliligaw. Matagal ko na naman siyang kilala at mas nakilala ko siya noong nagsimula siyang manligaw. At crush ko na rin siya dati pa (bago naging kami ni Bryan). Hahaha. At si Bryan, hindi ko pa rin nakakalimutan pero hindi ko na rin mahal. Pero tine-treasure ko pa rin ang mga alaala namin.

Magsisimula na akong mag-review at magtrabaho kaya magiging busy rin ako.

Tama ba na itinali ko na ang sarili ko sa kaniya? Hindi ako sigurado. Ang alam ko lang ay mas mature na ako ngayon. At alam ko ring hindi. It's also about commitment.

So that's how I got pranked... but in a good way. Nakakainis sa umpisa pero mas nangibabaw ang saya.

Anddd, congrats to me! Next week na ang simula ng trabaho. So double celebration. 

And yes, may boyfriend na ako bago ako magsimulang magtrabaho.

-Sonya Marie Molina

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon