Sonya's Journal (12-25-21)
***Sonya's Journal
Maligayang Paskooo!!!
Merry Christmas!!
So ayun, maganda naman ang Pasko ko ngayon. Kumpleto kami ng pamilya ko, nagsimba kami, at nagkaroon ng simpleng handaan. Mas maganda na ang regalo ko sa mga magulan ko at kay kuya Mikee kasi may trabaho na ako. Last year ay sapatos kina kuya at papa at jacket kay mama. Ngayon naman ay house and lot. Joke!! Hahaha. Isang malaking charcoal portrait ng pamilya namin. Hindi ko talaga binigay pero nakasabit na 'yon ngayon sa sala. At ang ganda. Hindi ko alam kung mas nagustuhan nila yung dati kong regalo pero para sa akin, mas maganda yung portrait. :>
Nakipagkita rin ako kina Kara at Kent. Si Kara, binigay niya kasi ang regalo niya sa akin. Nagbunutan kaming magkakaibigan at siya ang nakabunot sa akin. Si Aisha naman ang nabunot ko at bag ang binigay ko sa kaniya. Mahilig kasi siyang mangolekta ng mga ganoon. Panibagong journal naman ang binigay sa akin ni Kara. Haha.
Si Kent naman, kumain kami sa labas, sa seaside resto. Mahal ang mga pagkain pero sulit naman. Bukod sa masarap ang mga pagkain, napakagandang view, nakasama ko pa siya. Nag-usap kami at sinabi niya sa aking busy siya sa school works.
Binanggit niya ring may nagpaparamdam sa kaniyang babae. Hindi multo, ah. Kaklase niya raw, si Angela. Madalas daw 'yon na lumapit sa kaniya at magtanong ng kung anu-ano. Pero sinabi naman niya rito na may girlfriend na siya. Tumigil naman daw pero nakatanggap siya ng malutong na mura ang matalim na tingin. Noong una kasi ay nagpapaturo lang sa mga subject at nakikipagbiruan. Pero noong nahalata ni Kent na iba na ang pakikitungo nito ay sinabihan na niya agad. Ayan tuloy, nasabihan siyang paasa. May pagka-assuming tuloy ang dating nito.
Btw, 2nd year na siya. Isang taon na lang yata bago siya maging Lawyer Accountant. Kailangan niya pa rin yata mag-take ng exam pagkatapos.
So ayun nga, bago kami umuwi ni Kent ay binigyan niya ako ng isang personalized keychain. Hindi naman couple keychain pero Baymax yung kaniya at si Hiro naman yung akin. Buset. Hahaha. Tapos may nakadikit na date at pangalan nami. Nagmukha naman kaming magkaibigan o kaya naman healthcare companion at pasyente. But yeah, memories.
Damit naman ang regalo ko sa kaniya. Nagpatulong pa nga ako kay Kuya Mikee sa pagpili. Nagpatulong din siya sa akin sa pagpili ng damit para kay Ate Aryana. #siblingsgoals Hahahaha
At tungkol naman sa mga katrabaho ko, may mga nag-chat sa gc para bumati ng Maligayang Pasko at meron ding nag-pm. Pati hindi ko gaanong ka-close at taga-ibang departamento ay bumati rin. Syempre ni-reply-an ko. Sa loob ng dalawang taon ko sa kompanya, maganda naman ang karanasan ko. Maayos ang pasahod, maganda ang facilities, at matino rin ang mga katrabaho ko. Thank You, Lord!
Ilang araw na lang ang natitira bago mag-2022. Bago matapos ang taon, nagkaayos na kami ni Kent. Parang happy ending sa mga pelikula. Sana magtuluy-tuloy na.
New year, new me. Ano kayang mangyayari sa 2022 ko?
-Sonya Marie Molina
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Novela JuvenilOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...