105// Sonya's Journal

21 3 16
                                    

Sonya's Journal (03-29-22)
***

Sonya's journal

Nasa bahay ako ngayon. Kagabi pa nangyari pero 'to ngayon ko lang ikukwento nang buo.

Hindi ako makatulog kagabi dahil hindi ko 'yon makalimutan. Si Luigi at ang panloloko at muntik niyang paglalagay sa akin sa peligro. To think of it, kasalanan ko rin. Nag-assume na agad ako na si Kent 'yon. Akala ko gumawa siya ng bagong dummy account dahil blinock ko siya sa totoo niyang account. Coincidence lang pala.

It's not victim blaming. It's just about being mindful and responsible for our safety. Again, mas malaki pa rin ang kasalanan niya pero inaamin kong may kasalanan din ako kahit papaano. Hindi ako nag-ingat at mabilis akong nagtiwala sa isang tao na nagtatago sa isang dummy account. In short, I eliminated the possibility that it might be a scammer. Which in fact, I shouldn't.

Pero nagpapasalamat talaga ako na dumating si Kent. Dahil kung hindi, maaaring natagpuan na ako ngayong walang buhay o kaya ni-report na siya sa pulisya. At paniguradong nabalitaan na ng pamilya ko ang masamang nangyari sa akin. Salamat po talaga at maayos ang kalagayan ko ngayon.

So ayun ngaaa... it turns out that Kent was following me on my way home. He's been following me for weeks now. Kaya siguro pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Kadalasan siyang nag-aaral sa library tuwing hapon at hanggang gabi tapos sinusundan niya ako pauwi para siguruhing ligtas ako. Hindi niya ako kinakausap dahil ayaw niya raw ma-distract. Sapat na raw sa kaniya na makita ako. At noong gabing iyon, sinundan niya ulit ako pauwi. Hindi siya agad lumabas noong nagkita kami ni Luigi. Pero noong pagtatangkaan na akong saktan ni Luigi, lumabas siya mula sa may damuhan at malakas itong itinulak, dahilan para matumba ito sa sahig. 

Pagkatapos no'n ay hinatak na niya ako palayo hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya na naka-park sa tapat ng simbahan, malapit sa labas ng subdivision namin. Naglalakad kasi siya mula library hanggang sa sakayan ng bus tapos nagmamaneho na pauwi. Itinigil niya lang ang sasakyan doon kanina noong nakita niya akong pumunta sa park. 

Action speaks louder than words. But I also think that action without word is useless. Hindi man lang niya sinasabi sa akin na sinusundan niya ako. Kaya siguro hindi ko siya naintindihan. Hindi niya ako chi-na-chat kaya hindi ko alam kung may pakialam siya sa akin o wala. Ngayon ko lang nalaman.

At pagkatapos ng ganap, inihatid niya lang ako pauwi. Sa buong byahe ay tahimik lang ako habang nanginginig sa takot pa rin. Tinanong niya lang kung ayos lang ako at pagkatapos no'n ay hindi na siya muling nagsalita hanggang sa makarating kami ng bahay. Hininaan niya ang aircon sa kotse at napansin ko ang ilang beses niyang pagsulyap sa akin habang nagmamaneho. How thoughtful.

Btw, the point of this journal entry is about what I learned yesterday.

LESSON LEARNED: Never trust everyone on Social Media. Learn to fact-check so you won't get fooled.

Sinakyan lang daw ni Luigi ang trip ko sa chat. Inakala ko na siya si Kent at nakisakay naman siya. Tapos ang "gullible" ko raw at wala akong dapat ikagalit kung sakaling may mangyari sa aking masama. Ako pa ang pinagmukhang masama! Parang sinasabi niya na kasalanan ko pa kaya niya muntik nang magawa 'yon. Tss. Oo, nagkamali ako pero mas malaki ang kasalanan niya. Langya siya!

Update: Nahuli na si Luigi at sinampahan na siya ng kaso.

-Sonya Marie Molina

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon