Sonya's Journal (05-06-19)
***Sonya's Journal
Naka-graduate na kamiii!!!!! Congrats batch 2019-2020!! Kaiyak! Pero noong isang araw pa yung graduation day. May 2, 2020. Sulit ang ilang buwang puyatan sa pagre-review para sa exams at pagco-comply sa requirements. Ang sayaaaaaa. May board exam pa pero masaya na ako dahil sa wakas ay nakapagtapos na ako sa pag-aaral. Hindi na ako tatawaging "bata" ni kuya! Char. HAHAHA
So, ayun, noong isang araw pa ang graduation pero pumunta pa rin kahapon si Kent sa bahay. May inihabol siyang "regalo". Akala ko naman kung ano na pero handwritten letter pala.
Idinaan lang 'yon ni Kent kahapon. Hindi niya raw naibigay nung graduation kasi kaibigan ko ang kasama ko at pamilya ko. Alangan naman kasing unahin ko siya 'di ba? Bukod sa manliligaw ko pa lang siya, hindi naman talaga pwedeng siya ang unahin ko. Pero pwede sigurong maglaan ng oras sa kaniya, at kahapon iyon kung kailan tapos na ang graduation.
At isa pang dahilan kung bakit siya pumunta ay gusto rin daw niya akong bisitahin kahit bakasyon na kaya ayun... Ewan ko kung seryoso o hindi pero bahala na.
At ang punto ko rito, NABASA NI MAMA ANG FVCKING LETTER NA BINIGAY NIYA! NAKAKAHIYAAAA!!!
Shemssss. Bakit ko kasi nakalimutan yon?!! Hinawakan ko lang kasi yon hanggang sa makaalis si Kent at makapasok ako ng bahay para hindi ko makalimutan. Tapos ipinatong ko sa lamesa. Bumili ako ng merienda at ayun, nakalimutan ko na. Ayan tuloy nabasa ni mama. Hindi ko pa nga nababasa 'yon, eh!
Pero swerte pa rin dahil tinanong niya lang kung sa akin 'yon o hindi. Wala na siyang ibang sinabi. Pero kahit na, nakakahiya pa rin! Pero at least open na ako sa kanila. Pero nakakahiya pa rin talaga. Ay ewan. Ang gulo ko. Hahaha.
Wait. Basahin ko muna yung letter. Baka mamaya kung ano na pala ang nakalagay roon, e di mas lalo ko nang gustong magpalamon sa lupa. Brb.
***
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Teen FictionOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...