Sonya's Journal (09-02-19)
***Sonya's Journal
Part 1
September 1, 2019. Mark this date. It's an unforgettable one.
Update sa galaan!
Guess what?
I GOT PRANKED. LANGYAAAA!!
Mamaya ko sasabihin kung paano, iku-kwenyo ko muna yung mga nangyari.
Kahapon 'yon nangyari pero 'di ako nakapagsulat dahil napagod ako sa mga bagay-bagay.
Kay Kent ako sumama at hindi sa mga kaibigan ko. Ayos lang naman daw sa kanila pero bago 'yon, ilang beses pa nila akong pinilit kaso tumanggi talaga ako. Muntik pa ngang magbago ang isip ko kaso biglang binanggit ni mama na tanghali na raw at mag-ayos na ako para sa gala namin ni Kent. Medyo OA kasi 8 AM pa lang naman pero sanay na ako sa pagbibiro ni mama tungkol sa oras.
Si Kent ang pinuntahan ko pero hindi ibig sabihin no'n ay mas priority ko siya. Sadyang mas magiging madalang nalang kaming magkita mula ngayon kaysa mga kaibigan ko na magtatrabaho o nagtatrabaho na rin tulad ko.
Ayun nga, nagkita kami ni Kent sa labas ng subdivision, sa may bus station. Pero hindi kami nag-commute. Ginamit niya ang sasakyan ng papa niya at siya mismo ang nagmaneho.
Tanghali kami pumunta sa isang restaurant. 4 hours drive. Sabi niya, trip niya lang pumunta sa resto na 'yon kahit malayo. Nag-c-crave daw siya siya sa unlimited seafood. Tinanong niya naman kung ayos lang sa akin, sabi ko oo kasi 'di ako allergy.
Tapos dahil medyo pamilyar ako sa daang tinatahak namin, nakaidlip ako. Kumain lang kami, as in. Sabi niya, iyon na raw ang gala namin. Inaamin kong medyo nadismaya ako dahil sabi niya 'maggagala' raw kami. Hindi niya sinabing kakain lang kami sa labas. Nagsuot pa naman ako ng sneakers, oversized shirt, at track pamts. Dapat pala nagtanong ako nang maayos. Bwisit.
Tapos pagbalik, nakatulog ulit ako. Nagulat ako noong paggising ko ay nakahinto na ang sasakyan sa parking lot na nasa tapat ng isang hotel. Akala ko kung saan kami pupunta o kung balak niya ba akong dakpin pero nasa bandang likod pala no'n ang dalampasigan.. AS IN BEACH! 'DI AKO AWARE NA PUPUNTA KAMI ROON.
Okay, so that was already a surprise/prank. I never thought that there's more.
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Novela JuvenilOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...