Sonya's Journal (11-07-21)
***Sonya's Journal
#bestkuyaever si Kuya Mikee. Labyu, kuyaaaa! Ang swerte talaga ng magiging jowa niya. Hindi ko sinasabing si Ate Aryana 'yon pero parang ganoon na nga. Hahahaha. Pero napag-isip-isip ko, masyado akong dependent kay kuya. Kapag may kailangan ako, lagi akong lumalapit sa kaniya. Wala namang masama roon pero kasi may sarili na rin siyang buhay. May mga oras na kailangan kong harapin ang pagsubok na mag-isa. Kailangan ko ring tumayo sa sarili kong paa kasi hindi sa lahat ng oras ay nand'yan siya. Nakakalungkot pero alam kong masasanay rin ako. Still, I love you, kuya! #feelingblessed
At sa kaibigan ko, si Ricky, sinabi ko rin sa kaniya ang tungkol sa katrabaho kong si Dexter. Siya yung masyadong clingy na hindi ko maintindihan. Ang unproffesional niyang kumilos. Iba ang trabaho sa personal kaya ayun... Kapag may pinapasa akong file sa department nila, lagi niyang sinasabi na kain daw muna kami lunch bago niya iyon tanggapin. Parang bata, ampp. Kainis. Hindi ko naman pwedeng sa iba ibigay kasi siya ang head ng department. Ayaw ring mag-abot ng iba dahil natatakot daw sila sa kaniya. Strikto raw kasi. Ewan ko, baka iba ugali niya kapag ako ang kaharap. At hindi ako natutuwa.
And Kent... sinabi ko rin sa kaniya ang tungkol doon. Guess what? Late ulit siyang nag-reply. Kinabukasan pa pagkatapos kong sabihin.
Hindi naman halatang excited akong maka-chat siya, 'no? Ang bilis kong mag-reply, eh. Haha. Hindi kasi naka-silent ang phone ko kaya tumunog 'yon nung nag-message siya sa messenger. Nagising tuloy ako. Tutulog na sana ako kaso nakita ko ang chat head. E di binasa ko kahit inaantok pa ako. Minsan na lang din kasi talaga siya mag-online. *u*
Sana kahit busy siya, hindi siya tinatamad mag-reply sa akin. Sorry na, 'yon lang ang kasiyahan ko ngayon. Matagal na kaming hindi nagkikita sa personal iyon nalang ang tanging komunikasyon namin. Ang defensive ko yata. Hahaha. Ah, basta. Alam kong mababaw ako.
At tungkol sa sorry ni Kent kanina... wala lang. Naalala ko lang nung nag-sorry sa akin ni Bryan. 'Yon yung oras na iniwan niya ako. Hindi ko naman gustong maghinala pero kasi ayoko nang maulit ang nakaraan. Gusto ko kung sakaling mangyari yon ay handa ako at hindi na ako magmukhang tanga na uhaw sa atensyon. Mahal ko si Kent, oo, pero kung sakaling pagod na siya...
Wag naman please. Hayss, ang rupok ko talaga. :((
Pero sa totoo lang, mas madalang talaga kaming magkita ng mga kaibigan ko kumpara kay Kent. Ang huling kain namin sa labas ni Kent ay 6 months ago. Samantalang isang taon na ang nakalipas noong huli kong makita ang mga kaibigan ko. Si Kara lang ang medyo madalas kong nakikita. At kapag naman pwede halos lahat sila, hindi sumasakto sa free time ko. Saklap. Bawal namang i-resched kasi 'yon lang din siguro ang free time nila. Abala rin kasi sila sa kani-kaniya nilang buhay. I'll catch up with them soon. :)
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Teen FictionOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...