029// Sonya's Journal

27 3 12
                                    

Sonya's Journal (09-02-19)
***

Sonya's Journal

Part 2

Hindi ko mapigilang mainis kay Kent dahil hindi akma ang kasuotan ko sa pinuntahan namin. Samantalang siya ay may nakahandang sleeveless tee at short. May dala rin siyang shades. Ang cool niyang tingnan sa outfit na 'yon pero mas nangibabaw pa rin sa akin ang inis dahil hindi niya ako sinabihan agad.

Sinabi niyang bumili nalang kami ng swimsuit sa malapit na shop pero hindi ako pumayag. Wala naman akong dalang maraming pera para bumili ng swimsuit na lagpas sa limang daan ang presyo. Tss. Kaya ang ending, nag-walkout ako at pumunta nalang sa parking lot para magpalamig ng ulo kahit paano. Pero lalo ako nainis dahil halos isang oras ang lumipas at hindi siya bumalik. Lumangoy yata nang mag-isa ang loko. Ni hindi manlang ako sinundan noong nag-walk out ako. Sige, ang pabebe ko sa parteng 'yon.

Dahil naiinis talaga ako at gusto kong kumpirmahin kung anong ginagawa niya at para na rin mabawasan ang pag-o-overthink ko, bumalik ako sa beach at hinanap siya. Kaunti lang ang mga turista kata nakita ko ang lahat ng mga nandoon. Sa kasamaang palad, hindi ko siya nakita.

Akala ko pinag-trip-an niya ako at iniwan nang mag-isa sa beach. O kaya may nakilala siyang ibang babae na sexy at maganda tapos bigla nalang sumama sa kanila.

But love isn't like that. Kahit pa ang pinakamagandang at sexy na babae o kaya ang pinakagwapo at maselang lalaki ang lumapit sa'yo, hindi mo papatulan sila dahil tapat ka sa taong minamahal mo. Hindi sumama sa iba si Kent. Hindi niya rin ako iniwang mag-isa sa beach.

Inaamin kong mali ako sa lahat ng mga iniisip ko. Dahil mula sa malayo, natanaw ko si Kent na may hawak na isang bouquet ng bulaklak. Naglalakad siya palapit sa akin nang hindi iniiwas ang tingin. Galing siya sa isa sa mga cottage na malapit sa mismong beach. Hindi ko iyon natingnan kanina dahil halos nakasara ang lahat ng mga pinto o kaya naman ay walang tao sa loob.

Nang tuluyan siyang makalapit sa akin, humingi siya ng tawad at sinabing parte iyon ng plano niya. Magtatanong pa sana ako pero bigla niya akong hinila palapit sa pinanggalingan niya kanina.

Nang makarating kami roon, napatingin ako loob ng medyo malaking kubo. Nakabukas ang pinto kaya malaya kong nakita ang nasa loob.

There, I saw my parents and Kuya Mikee. And my friends, too.

That's the greatest prank I ever encountered in my whole life.

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon