After a few months...
***
April 06, 2024
"Guys, anong plano niyo this summer?"
"As usual, work. Busy ulit ako."
"Workaholic ka talaga 'no?"
"Wala naman kasi akong ibang pagkakaabalahan bukod doon," kibit-balikat na sagot ni Sonya kay Aisha.
"Sabagay. Single goals. Pero ayaw mo bang magliwaliw?"
"Saka na kapag nakaipon ako," aniya at isinubo ang kutsarang may lamang kanin at ulam, "kasama ang pamilya ko."
Nagkita-kita silang apat nina Kara, Seka, at Aisha sa isang fastfood chain sa mall. Hindi nila kasama sina Theo at Ricky dahil nauna na ang mga ito sa venue kung saan gaganapin ang reception para magplano. Ilang buwan na lang kasi ang binibilang bago iyon maganap. Susunod silang apat mamaya roon pagkatapos kumain. Kakagaling lang din kasi nila sa grocery para mamili ng ilang mga kailangang gamit na may kaugnayan sa kasal na magaganap.
"Hala! Anong date na ngayon?" biglang tanong ni Aisha, "may pupuntahan pala ako sa 7!"
Natataranta niyang kinuha ang planner sa bag para tingnan ang schedule niya. Tapos na siya kumain at hinihintay niya na lamang ang tatlo.
"April 3..." Itinigil ni Sonya ang pagkain at tumingin sa phone para makasigurado, "April 6 pala."
Bahagyang tumaas ang dalawa niyang kilay at gumuhit sa kaniyang labi ang isang ngiti nang makita ang petsa.
"Anong meron? Ba't ka ganiyan?"
"Nakalimutan ko. Ngayon nga pala ang breakup anniversary namin. Ipinagdiriwang ba 'yon?" may halong pagbibirong pahayag ni Sonya at tumawa.
"Nino?"
"Ni Kent, malamang." Napaawang ang bibig ni Aiyoko at halatang nagulat.
"Ay wow, pati breakup date natandaan," natatawang sambit ni Kara.
"Ahh," tipid na reaksyon ni Seka.
"Ah. Speaking of, nakita ko si Kent last week," panimula ni Kara. Napaayos ng upo si Sonya dahil sa narinig pero agad ding umaktong walang pakialam. Hinawakan niya ang straw at mabagal na sumipsip doon habang ang tainga ay nakaabang sa sasabihin ng kaibigan.
"Saan mo nakita?"
"I mean, nakasalubong ko siya sa mall habang nag-da-date kami ni Addy."
"Oh, tapos? Anong ginagawa niya roon?"
"Nag-take out ng pagkain na pang-dalawang tao. Nagtaka nga ako noong una kasi only child naman siya. Pero noong tinanong ko kung para kanino, bigla siyang nag-open up tungkol sa babaeng gusto niyang ligawan."
Biglang nasamid si Sonya. Agad niyang pinunasan ang kaniyang labi gamit ang likod ng palad bago tumingin sa mga kasama. Mukha namang hindi siya nila napansin kaya nakahinga siya nang maluwag.
"Ano pangalan?"
"Myra yata. Tapos ayun, humaba ang usapan namin. Matanong at mabait din kasi si Addy kaya pumayag siyang makipag-chikahan kay Kent. Eh, hindi rin naman kami nagmamadali no'ng oras na 'yon."
"Anong napag-usapan niyo?" tanong ni Kara na halatang interesado. Nanatili namang tahimik si Sonya sa isang tabi habang patuloy na nakikinig. Mabilis niyang tinapos ang kaniyang pagkain bago yumuko.
"Basta tungkol kay ate girl. Ewan ko kung saan niya 'yon nakilala. Bago nga kami umalis, nag-aya siya na pumunta sa bahay niya. Magpapatulong daw siya para sa surprise."
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Novela JuvenilOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...