Sonya's Journal (12-26-22)
***Sonya's Journal
Hindi agad ako nagsulat dito sa journal tungkol sa Pasko kasi nakakatamad. Hahaha. Inipon ko muna lahat para isang bagsakan na lang. Highlights lang ang ikukwento ko dahil baka abutin ako ng ilang page kapag sinulat ko lahat. Hahaha.
Christmas 2022.
Hindi 'yon katulad ng nakaraang Pasko ko pero ayos lang. Masaya pa rin man...kahit single ako. Single ULIT. Hahaha. There's nothing wrong with being single, though. I'm completely fine with that. 'Yun nga lang, may na-mi-miss ako. :">
As usual, hindi na naman natuloy ang paggala naming magkakaibigan. Nasa probinsya kasi ang iba tapos busy naman ang iba pa. Pero lumabas kaming tatlo nina Kara at Ricky noong December 23 para gumala at mag-chikahan. Tapos nagkita naman kami ni Aisha kaninang tanghali pagkatapos niyang magsimba. Ibibigay niya raw kasi yung regalo niya sa bunutan.
Loko si Aisha, binigyan ba naman ako ng stuff toy na Baymax. Para raw hindi na ako malungkot at maalala ko si Kent dahil doon. Amppp, baligtad yata. At ship niya pa rin daw kami hanggang ngayon. Tapos kung sakaling ayaw ko raw ng regalo niya, itapon ko na lang. Baka gawin ko 'yon e regalo niya naman 'yon. Ang lakas ng trippp. Hindi ko tuloy alam kung kaibigan ko talaga siya o hindi. Joke hahaha. Pero seryoso, napa-facepalm ako.
Binigyan din ako ni Ate Aryana. Isang pocket book na new adult genre. Ang gandaaa. Bumisita siya sa bahay saglit at imbes na si kuya ang kasama niya, naging ako ang kadaldalan niya. Nagmukha tuloy kaming magkapatid. Hahaha. Love that girllll <3 Hindi dahil sa regalo, ah. Kundi dahil sa ugali niya. Magka-vibes din kami kaya magaan ang loob ko sa kaniya. Mas close na nga yata kami kaysa kay kuya, eh. Hindi na kasi kami masyadong nag-uusap 'di tulad ng dati. Haysttt. Kasi namaaan. Ah, basta. Ang wish ko ngayong Pasko ay sana maging sila na ni Kuya Mikee sa susunod na taon.
Enough with the gifts, presensya naman ng mga mahal ko sa buhay ang kailangan ko ngayong Pasko at kahit kailan. Pero na-a-appreciate ko rin naman ang mga regalo, maliit man o malaki, mahal man o hindi. Sabi nga nila, it's the thought that counts.
At sa totoo lang, dati iniisip ko kung anong gagawin ko sa Pasko ngayong wala si Kent. Ewan ko, ang babaw ko yata kasi inakala kong hindi ako gaanong magiging masaya ngayon. Pero ang bilis dumating ng araw at hindi ko namalayan. Masaya akong nakapagdiwang nito at nakalimutan ko siya kahit papaano. I never felt alone during Christmas day. I still have my family and friends beside me.
Isang bagay na napagtanto ko ngayong Pasko, hindi ko pala talaga siya kailangan para maging masaya. Si Kent, I mean. Mahal ko pa ba? Oo naman. Hindi naman ako mabilis magsawa at hindi rin mababaw ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pero kaya ko namang mabuhay nang wala siya. Ang isa sa mga dahilan ay ang pagiging buo ko. Hindi ako kulang sa pagmamahal kaya hindi ako naghahanap sa iba, lalo na sa kaniya.
Ang natutuhan ko pagkatapos ng lahat ng ito ay hindi dapat tumigil ang buhay ko dahil lang naghiwalay kami. Hindi ko namalayang ilang buwan na rin ang nakalipas buhat noong maghiwalay kami. Ang bilis. Last year niya na rin sa pag-aaral para maging Lawyer Accountant. Tapos may board exam pa siya.
And actually, we lost communication after our breakup. Maski ngayong Pasko. Naghintay ako ng kahit isang text hanggang kagabi. Kaso wala, eh. Hindi ako nakatanggap ni isang mensahe mula sa kaniya kahit simpleng "hi" o " merry christmas o "maligayang pasko". Ewan ko ba, nag-aabang pa rin ako hanggang ngayon. Isa sigurong dahilan ay ang pag-te-text sa akin ni Bryan. Hahaha. Oo nga pala bawal ipagkumpara dahil magkaiba sila.
Nga pala, tinanong ni Bryan noong isang araw kung kumusta na kami ni Kent. Haha. Nagulat siya noong sinabi kong naghiwalay na kami at tinanong niya kung saan pumalya ang relasyon namin. Sinigurado pa niya na hindi namin ginawa ni Kent ang pagkakamaling ginawa namin ni Bryan noon, ang hindi maging bukas sa isa't isa at hindi legal. Sadly, Kent did one of those. Hindi siya nagsabi sa akin. Ang maganda lang ay nalinaw na agad namin kaya wala na kaming sama ng loob sa isa't isa. Pero miss ko na talaga siya, sobra.
At sa pamilya ko, buo pa rin naman kami. Thank God. Mas humihina na sila kahit papaano kaya sinasabihan namin sila ni Kuya Kent na 'wag na masyadong magtrabaho. Tutal nakapagtapos na naman kami ni Kuya Mikee sa pag-aaral at sumasahod na kami. Tama na ang matagal nilang paghahanapbuhay para maibigay ang mga pangangailangan namin kahit obligasyon talaga nila 'yon. Hindi ako expressive pero sana alam nila na mahal ko sila.
Above all, we celebrated His birth. Happy birthday!! Salamat po sa lahat. Salamat poooooo. Walang kahit anong salitang tutumbas sa kung gaano ako nagpapasalamat sa Kaniya. Always grateful <3
-Sonya Marie Molina
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Fiksi RemajaOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...