Sonya's Journal (12-08-21)
***Sonya's Journal
Ano nga bang problema namin bukod sa hindi niya pag-chat? Wala naman siguro siyang ibang babae. Sana. Hindi naman siguro siya nagsasawa. Sana.
Ako lang ba 'tong pangit ang ugali at may problema? Nabababawan kaya siya sa akin? Masyado ba akong OA? Pasensiya na, Kent, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka maulit ang noon. Yung inakala ko na ayos lang ang lahat pero bigla akong iniwan sa ere. At ang masakit doon, hindi malinaw sa akin ang dahilan. Natatakot ako na baka ganoon din ang gawin ni Kent. Baka isang araw ay sasabihin niyang wala siyang oras sa akin kaya niya ako hihiwalayan.
Pero nangako si Kent...
Teka, nangako rin si Bryan noon, ah. Pero hindi niya tinupad. Hayssss, ang hirap mag-overthink! Nakakapagod mag-isip. Ayokong pangunahan si Kent. Ayoko rin siyang paghinalaan. Ang sa akin lang naman, sana magsabi siya kung may problema siya at hindi yung ganito. Nag-cha-chat lang siya kung kailan niya gusto. Ang dami kong kinukwento pero wala siyang sagot sa mga iyon. Maski ang pangungumusta ko ay hindi niya rin sinasagot nang maayos.
Wala naman siguro siyang sakit 'di ba??
Sa umpisa lang ba talaga masaya? Nakatagal kami ng dalawang taon at ngayon lang kami nagkaproblema ng ganito. Nakakapanibago. Ang hirap.
I don't want to mess this relationship up. Mahal ko siya, ramdam na ramdam ko. At nasasaktan ako dahil iba na ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Na-miss ko tuloy ang dating Bay Max na laging nand'yan. Na-miss ko ang dating siya. Alam kong bawal ipagkumpara ang dalawa pero kasi... kahit iisang tao lang sila, mas pinapahalagahan ako ni Bay Max kaysa sa ngayon. Nitong mga nakaraang buwan lang naman siya nagkaganito. At hindi ko pa rin alam kung bakit.
-Sonya Marie Molina
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Teen FictionOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...