Friend Request & Sonya's Journal (09-17-19)
***Nathalie Sanchez sent you a friend request
Accept | Decline
Bert Arevalo sent you a friend request
Accept | Decline
Craige Garcia sent you a friend request
Accept | Decline
***
Sonya's Journal
Happy first week of work! Yay! May mga nag-add friend sa akin na katrabaho ko. Skl hahaha. Yung iba noong isang araw pa nag-add tapos yung iba ngayon lang. Sina Nathalie, Bert, Eunice, at Billy yung kasama ko sa accounting department. Pati ang supervisor namin na si Ms. Arisa ay in-add din ako. Syempre nag-add din ako ng iba pa.
Tapos meron din galing sa ibang department na nag-send ng friend request. Sina Astrid, Josh, Craige, at Zero.
In fairness, ang ganda ng first week ko sa trabaho. Maganda ang workplace at atmosphere ng mga kasamahan ko. Akma rin yung pinag-aralan ko noong college sa trabaho ko ngayon. Pero hindi naman lahat ng napag-aralan ko ay kasama sa trabaho. Kaya nga mas gusto ko na lang magtrabaho kaso may board exam pa. Hahaha. Maganda rin ang benefit sa kumpanya kaya mukhang magtatagal ako roon. Sana.
Speaking of, musta na kaya ang pag-aaral ni Kent para sa board exam? Naudlot ang paglabas namin noong isang linggo dahil busy raw siya kaya nilipat namin ng date pero hindi ko pa alam kung kailan. Btw, ayos pa naman ang pagre-review ko. Mahirap pero kakayanin. Sana.
Yun lang! :)
-Sonya Marie Molina
BINABASA MO ANG
Is She Offline? (Online #2)
Teen FictionOnline series #2 After Sonya thought that she found the right man for her, it didn't last long because of the new life awaits after their college life. New life. New chapter. New ending. Will her own LOVE story continue after the person behind the n...