101// Conversation with Mariam

31 3 20
                                    

Conversation with Mariam Lim (03-26-22)
***

"Kumusta ka, iha?" panimula ng isang babaeng nasa mid-40s pagkaupo sa tapat ng isang dalaga, si Sonya. Sa tindig at pananamit pa lang ay may ideya na kung ano ang kaniyang trabaho. Nakasuot siya ng knee-length pencil skirt, button-down shirt, suit, at naka-high bun ang buhok. 

Napatingin si Sonya sa kaharap niya. Hawig na hawig nito ang mga mata ni Kent kaya hindi niya maiwasang humanga at ma-intimidate kahit papaano.

"A-Ayos lang po," maikling sagot ni Sonya at kinagat ang labi dahil sa hiya. Mahinang niyang tinampal ang sarili dahil sa pagiging utal-utal sa pagsagot. 'Umayos ka, Sonya!'

Umiwas siya ng tingin at pinagmasdan ang mangilan-ngilang naglalakad sa labas ng resto na pinuntahan nila. Madilim na sa labas at pinili nilang pumwesto sa tabi ng bintana para kahit papaano ay makakita sila ng magandang view habang umiinom ng kape. 

Bago dumating si Mariam sa meeting place nila ay nag-order na ng inumin si Sonya. Pareho nilang ayaw kumain kaya kape na lang ang in-order nila.

Para maiwasan ang awkwardness sa pagitan nila ay uminom ng kape si Sonya habang nakatingin sa labas. Hindi ito ang unang beses na nagkita silang dalawa pero hindi niya pa rin maalis ang hiya at kabang nararamdaman sa tuwing nakakausap niya ito.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy dahil gabi na rin. Kumusta na kayo ni Kent?" Halos mabilaukan si Sonya nang itanong ito ni Mariam. Pinukpok niya ang kaniyang dibdib at gumamit ng tissue para punasan ang kaniyang labi. Hindi siya mapakali at pabalik-balik ang tingin niya kay Mariam at sa kape niya.

"N-Naghiwalay na po kami, tita," kabadong sagot ni Sonya. Pigil na pigil ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Nasaktan na sjya noong nag-chat siya kay Kent na hiwalay na sila pero hindi niya inasahang mas masakit pa pala kapag sa bibig niya mismo nanggaling. Sa pagkakataong ito kasi ay mahirap nang bawiin lalo na't magulang na ni Kent ang kausap niya.

"Anong sabi mo, iha?"

"N-Naghiwalay na po kami." Napaayos ng upo si Mariam at diretsong tumingin sa dalaga. Hindi niya inaasahang sasabihin nito ang totoo.

"Alam ko na ang tungkol d'yan, iha," mahinahong saad niya. Nanlaki ang mga mata ni Sonya at napaawang ang bibig, "saka ko lang nalaman ang tungkol doonnoong aksidente kong makita ang phone niya. Binisita ko siya isang beses sa kwarto niya at nakita ko siyang nakadukdok sa libro na nasa ibabaw ng lamesa. Nakita kong basa ang libro niya. Noong una ay inakala kong tubig ito pero nakita kong basa rin ang pisngi niya. Nakita ko rin ang phone sa tabi niya at dala ng kuryosidad, tiningnan ko iyon."

Napalunok si Sonya. Mukhang may ideya na siya kung saan patungo ang usapan nilang dalawa.

"Nakabukas pa ang messenger niya at nabasa ko ang huling chat niyo kung saan nakipaghiwalay ka sa kaniya." Lalong nanlaki ang mga mata ni Sonya at napatakip siya ng bibig. Bakas sa mga mata niya ang magkahalong pagsisisi at lungkot.

"Hindi ganoon katalino ang anak ko pero determinado siyang makatapos ng pag-aaral," pagku-kwento niya, "At nasaktan ako noong nakita ko ang chat mo sa kaniya. Alam kong nahihirapan ka rin kaya mas minabuti kong kausapin ka. Paano niya masosolusyunan ang problema mo kung pati sarili niyang problema ay hindi niya masolusyunan, 'di ba? I hope you understand."

"O-Opo, tita," halos pabulong na sagot ni Sonya at ramdam ang panginginig ng kamay na nakapatong sa lamesa. Bumigat ang pakiramdam niya at nahihirapan siyang lumunok pati intindihin ang mga sinasabi ni Mariam. Nabablangko ang isipan niya.

"Life is tough for us these days. Bukod sa pag-aaral ni Kent, nakadagdag sa problema niya ang pressure na dulot ng ama niya. Sa totoo lang, sinabihan ko siya na mag-drop na kung hindi na niya talaga kaya pero pinipilit niyang kayanin. He can't say it but he is having a hard time to balance things out. Pinapayagan naman siyang lumabas-labas at magsaya ni Arturo pero dapat siguraduhin niya na makakapasa siya sa lahat ng subject. Binibigyan din siya ng sobra-sobrang allowance."

Bumuntong-hininga si Mariam at tumingin kay Sonya para tantyahin ang nararamdaman nito. Nang mapansin kaya pa nitong intindihin ang mga sinasabi niya ay hindi siya nag-atubiling ituloy ang pagkukwento.

"Don't get me wrong, hindi ako tumututol sa relasyon niyo pero nakikiusap ako na intindihin mo siya. Pasensya na, Sonya, ah. Kung sakaling naging pabigat siya sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ni Sonya na nakapatong sa lamesa at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. Ngumiti pabalik si Sonya pero hindi abot sa kaniyang mata.

"Ang maipapayo ko lang sa'yo ngayon, iha, ay 'wag kayong magdali. Kung kayo, kayo talaga anumang mangyari. Kilala ko si Kent. Mabait siyang bata pero minsan ay nahihirapan siyang magdesisyon para sa sairili niya. Enjoy-in mo muna ang pagiging dalaga dahil minsan lang mangyari 'yan. At kung sa future ay gusto niyo pa rin ang isa't isa, hindi ko kayo pipigilan."

Nagpakawala ng isang ngiti si Sonya dahil sa sinabi ng ina ni Kent. At sa pagkakataong ito, mas totoo na at galing sa puso.

"Opo, tita. Maraming salamat po."

Is She Offline? (Online #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon