CHAPTER 11
>Lenie’s POV<
Napatulala muna si ate sa akin habang nakaawang ang bibig, sabay umiling at tumawa ng bahagya “napatawa mo ako dun lenie aahh panung si Arex ang ama niyan ih kilalang tao si Arex at higit na napakayaman para lang dukutin at itago ka ?? a-at saka madaming babae diyang di hamak na mas maganda at seksi na handa namang magpabuntis sa kanya” anito.
“ate. .” magsisimula nang lumuha ang aking mga mata.
“alam mo lenie mas mabuti pa ay kumain na tayo, tigilan mo na ako diyan sa pagbibiro mo” at akmang tatalikuran na ako ng hawakan ko siya sa braso dahilan para mapalingon siya sa akin
“nagsasabi ako ng totoo ate, kailan pa ba ako nagsinungaling sa iyo” saad ko na lumuluha na ang mga mata
“lenie. .” doon ko lang napansin na nagngingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata “ni-rape ka ba niya ?? pinahirapan ka ba niya ?? pinilit ba niya sarili niya sa iyo ?? sabihin mo ?? at saka bakit ikaw ?? bakit ka niya dudukutin at itatago ng ilang buwan at ibabalik ka sa akin na ganyan ?? nagdadalan tao ??” pumiyok pa sa huling salita niya si ate dahil na rin sa paghagulgol ng iyak.
Tanging pag iling lang ang aking nagawa sa lahat ng tanong niya habang patuloy na umiiyak.
“so bakit ka niya dinukot ??? ha ??!!! bakit ??? para lang buntisin ?? ganun ??” hindi ko namalayan na hawak na pala ako ni ate sa magkabila kong balikat at niyuyugyog na tila pilit akong pinasasagot sa kanyang mga tanong ngunit tanging pag-iling lang ang aking nagawa habang umiiyak.
“diyos ko naman lenie !!!” sigaw ni ate habang umiiyak at binitiwan ako saka tumalikod sa akin habang umiiyak.
“ate. .” aniko hindi siya sumagot sa tawag ko ngunit halata ang paghagulgol ni ate habang nakatalikod sa akin dahil na din sa mabilis na pagtaas baba ng balikat nito.
“ate. .” muli kong tawag sa kanya ngunit sa puntong ito ay humarap na sa akin si Ate.
“babalik na tayo ng Bicol bukas na bukas din, hindi pwedeng malaman ni Arex na may anak siya sa iyo maliwanag ?? tutulungan kita sa pagbubuhay sa batang iyan, tayo lang dalawa ang makakaalam ng katauhan ng batang iyan !!” mabilis na saad ni ate habang itinuturo pa ang tiyan ko na hindi pa ganun kalaki.
“pero ate. .”
“masamang tao si Arex, Lenie. .hindi kayo ligtas mag ina sa kanya, may mga gawain siyang tanging mga walang puso lang ang makakagawa” imik ni ate sa akin na patuloy pa ring umiiyak, “sinasabi ko sa iyo, itatanggi din naman ni Arex ang bata kaya keysa masaktan ka sa pagtanggi niya sa inyong mag ina mas mabuting wag mo na lang ipaalam sa kanya na may anak siya at ikaw na mismo ang lumayo” dagdag nito.

BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
RandomIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...