CHAPTER 12
>Lenie’s POV<
Ilang minuto ko munang tinitigan ang kabuuan ng ospital na kinalalagyan ni Arex pagkababa ko ng tricycle, napansin ko na agad ang ilang mga unipormadong tao sa paligid ng ospital na armado ng mga baril na palakad lakad at higit sa lahat walang ibang sasakyan sa parking lot kundi mga itim na van. Lumapit ako sa main door, hindi pa ako nakakapasok ng harangin ako ng isang gwardiya.
“ma’am pasensya na po pero mahigpit pong ipinagbabawal ang pagpapasok ng mga taong wala sa listahan” anito sa akin sa magalang na tono.
“ano pong listahan ?? a-at saka wala po bang ibang pasyente sa ospital na ito ??” tanong ko sa gwardiya. Umiling naman ito.
“pinasarado po kasi ni Mr. Jacolbia itong ospital niya para kay Mr. Hechenoven, ayy teka ano po bang pangalan ninyo baka nandito po kayo sa listahan” bigla nitong imik saka binuklat ang isang logbook.
“Lenie po. .Lenie Peñano” sagot ko.
“Lenie. .” pabulong na imik ng gwardiya habang tila hinahanap ang pangalan ko sa logbook.
“meron po ba ?? kung wala mag-iiwan na lang po ako ng----”
“meron iha, nandito ang pangalan mo at base dito si Mr. Hechenoven ang mismong nagsabing ilagay ka, makakapasok na po kayo” anito at iginaya ako papasok, nagpasalamat muna ako saka lumakad papasok sa loob may lumapit naman na nurse sa akin at ni-guide ako papunta sa kwartong kinalalagyan ni Arex. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang tanungin ang nurse patungkol sa nangyayari kay Arex at sa ugnayan nito sa may ari ng ospital at ganun na lang kung ipasara nito ito para lang sa lalaki.
Nang makapasok na sila sa elevator.
“ang alam ko po kasi ay marami ang nagtatangka ngayon sa buhay ni Mr. Hechenoven dahil sa hindi malamang dahilan, maging yung kapatid nga po nito na babae ay todo ang pagbabantay dahil maaari itong dukutin at malagay sa panganib” kwento ng naturang nurse. “kaano-ano nga po pala kayo ni Mr. Hechenoven ?? sa totoo lang po ay pang lima palang kayo na dumalaw dito at nakakapagtakang wala kayong bantay hindi gaya nung iba”
“a-ahmm. .a-ano nakilala ko lang siya sa kung saan ganun” sagot ko at ibinaling sa harap ang aking tingin dahilan para makita ko ang aking repleksyon sa salamin na mismong pinto ng elevator. Napadako ang tingin ko sa hindi pa kaumbukan kong tiyan, todo ang bantay kay Arex dahil maraming nagtatangka sa buhay nito.
“mabuti naman po kung ganun kasi baka mamaya kayo ang mapagdiskitahan nung mga humahabol kay Mr. Hechenoven, napakaamo pa naman ng inyong mukha at halatang wala kayong laban kapag kayo ang dinukot” imik nito, napalingon ako sa babaing nurse kasabay ang paghawak ko sa tiyan ko.
“tingin ko po malaki talaga ang galit ng kung sino man kay Mr. Hechenoven, at malaki ang posibilidad na yung malalapit sa kanya ang pagbalingan ng galit ng mga ito kaya kayo po pagkalabas ninyo dito ay maging maingat na po kayo may mga bantay po ba kayo ?? delikado na po buhay ninyo lalo na’t pinapasok po kayo ng gwardiya dito sa loob” dagdag nito na nagpalunok sa akin ng malalim. Tumango lang ako at muling ibinaling sa repleksyon ko ang aking tingin.

BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
RastgeleIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...