15

788 23 2
                                    

CHAPTER 15

>Arex's POV<

"maawa ka nagtatrabaho lang talaga ako dito, para sa mga anak ko" pagmamakaawa ng lalaking kaharap ko ngayon habang nakaluhod ito at nakaharang ang magkabilang palad sa mukha. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa baril na hawak ko na ngayon ay nakatutok sa lalaki

Pinasok na namin ni Reylec ang nasabing rest house at hindi nga kami nagkamali ng kutob, mga kalaban nga ang naninirahan sa bahay at dito nila ginagawa ang ilang mga illegal na kalakalan gaya ng paggawa at pagbebenta ng mga droga.

Mabilis ang mga naging pangyayari, agad na nagputukan pagkapasok palang namin. At dahil sa pareho kaming sanay ni Reylec sa dahas ay parehong naging pabor sa amin ito. Sa ngayon ay kakaunti na lang ang natitirang buhay sa loob at napagdesisyunan naming maghiwalay at halungkagin ang kabuuan ng bahay sa pagbabakasakaling makakuha kami ng ilang impormasyon tungkol sa mismong pinuno ng aming kalaban na siyang gusto talagang ipapatay ni Mr. Jacolbia. At dito ako dinala sa isang kwarto kung saan ay natagpuan ko ang lalaking ito. Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng baril ng biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ng doktora kanina.

"masasabi kong buntis siya"

 

Napapikit ako ng mariin, malaki ang posibilidad na magbunga nga iyong ginawa ko kay Lenie. Hindi magtatagal ay magiging ama na ako gaya ng lalaking ito na nagmamakaawang buhayin ko siya para sa mga anak niya. Sa unang pagkakataon ay tinamaan ako ng awa sa buong buhay kong. Ibinaba ko ang pagkakatutok ng baril sa lalaki, bubuhayin ko ang lalaking ito para sa mga anak niya.

Akmang tatalikod na ako ng maramdaman ko ang mabilis na pagtayo ng lalaking nakaluhod at ang pagdampot nito ng isang tubo sa sahig. Hindi ko inaasahan ang nangyari kaya hindi ako naging alerto kaya naman nahampas ako ng tubo sa kaliwang braso ko dahil iniharang ko ito sa mukha ko. Napaimpit ako sa sakit, pakiramdam ko nabali yung buto ko sa braso sa lakas ng hambalos niya.

"awa ang papatay sa iyo" imik ng lalaki habang nakangising demonyo na ngayon. Ihahambalos pa ulit sana niya sa akin ang tubo ng mahawakan ko ito gamit ang kanan kong kamay. Dahil na rin sa mas malaki akong tao dito sa kalaban ko ay hindi ako nahirapang iikot ang tubo para mabitawan ito ng lalaki, mabilis kong siyang hinambalos ng tubo sa tuhod dahilan para mapaluhod ito sa harap ko.

Iimik pa sana ito ngunit dahil ayaw ko sa mga satsat pa ng satsat mamamatay na nga eehhh, walang habas kong isinaksak sa dibdib niya ang tubong hawak ko. Tinitigan ko muna kung paano sumuka ng dugo at pasalampak na humiga sa sahig ang katawan ng lalaki bago ko naramdaman ang sakit sa braso ko na nahambalos nito kanina. Dapat ay hindi ko inihalintulad sa sarili ko ang lalaking ito.

 Lintik na awa yan. Bakit ako biglang tinubuan nun ??

Pagkalabas ko ng silid ay agad akong sinalubong ni Reylec na may hila-hilang lalaki na nakatakip ang mga mata at nakagapos patalikod ang mga kamay habang naliligo sa dugo ang mukha. Napansin kong nakaputing long sleeve polo shirt na lang si Reylec na punong puno ng tilabsik ng dugo. Putok din ang labi nito sa bandang kanan. Ito ang pagkakaiba namin ng lalaking ito, siya ay walang pakielam sa mukha niya at katawan kapag nakikipaglaban habang ako naman ay todo ingat, modelo kaya ako hindi gaya ng kumag na ito na bodyguard ng anak ni Mr. Jacolbia na sobra naman sa pagiging palautos at kikay.

Angel with a ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon