CHAPTER 23
“Arex, pasaan tayo ??” tanong ko sa asawa kong nakatutok ang mga mata sa kalsada at seryosong seryoso ang mukha. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ito lumingon saglit sa akin at ngumiti.
“bibisitahin lang natin yung kaibigan kong naospital” sagot nito na.
Nasa kalagitnaan kasi ako ng paglalagay ng mga damit sa washing machine ng bigla siyang manggulo para lang sabihing magbihis ako at aalis kami.
“anung nangyare sa kaibigan mo?” tanong kong muli.
“naaksidente eh comatose tuloy” aniya na nagpalaki sa aking mga mata, sinabi pa niya ito sa paraang akala mo ay lagnat lang ang comatose.
“matindi ang aksidente !! kawawa naman” bulalas ko habang nanlalaki ang mga mata.
“believe me Lenie, ikasasaya pa niya ang nanyare sa kanya” sagot nito sabay ngisi at sandali akong tiningnan para lang kindatan.
Kahit nagtataka sa mga sinasabi ni Arex ay mas pinili ko na lang na tumahimik, paniguradong ang kaibigang sinasabi niya ay kasamahan niya sa grupong kinabibilangan niya na may mga masasamang gawain. At ayoko nang malaman kung ano talaga ang aksidenteng nangyari dito.
Matapos kaming ikasal ni Arex ay nangako siyang aalis na siya sa grupong iyon bago ako makapanganak upang mabuhay kami ng mapayapa kasama si Baby Exon. Tinatapos lang daw niya ang huli niyang misyon, tutol man ako pero wala akong magawa, malaki daw ang utang na loob ni Arex kay Mr. Jacolbia kaya ayaw niyang iwan ang mga ito sa ere.“we’re here” imik ni Arex na nagpabalik sa aking ulirat. Nasa parking lot na kami ng isang pribadong ospital. Akmang bubuksan na niya ang pinto sa side niya ng hilahin ko siya sa damit. Napalingon naman siya sa akin na may pagtataka sa mukha.
“ospital to diba ?? lalabas ka ng walang disguise ?? panu kung kuyugin tayo ng fans mo ??” nag aalala kong tanong sa kanya sabay iginala ko sa labas ng bintana ang aking mga mata.
Black day ba ngayon ?? napansin kong puro itim na grandia van ang nakaparada sa parking lot.
“babe, pinasara ni Mr. Jacolbia ang buong ospital para lang sa kaibigan ko” mahinahong paliwanag ni Arex, na sinundan niya ng buntong hininga “at yung kaibigang sinasabi ko sa iyo ay hindi ko lang basta kaibigan dahil kasamahan ko siya sa Zephyr, Im sorry Len----”
“alam ko Arex” pagputol ko sa sasabihin niya.
“Im sorry, alam kong ayaw mo na may nababanggit ako o di kaya ay kumikilos ako na may kaugnay sa kanila” aniya.
“naiintindihan ko Arex, Oo ako ang asawa mo pero ang Zephyr ang unang naging pamilya mo, sila ang naging kasangga mo nung mga panahong di pa ako nag eexist sa buhay mo” aniko sabay ngumiti ako sa kanya. “alam kong hindi lang basta kagrupo o kaibigan ang turing mo sa bawat miyembrong napalapit sa iyo, kundi kapatid at kadugo” dagdag ko. Una palang hindi ko na talaga gusto ang Zephyr na kinabibilangan ni Arex dahil punong puno ito ng panganib ngunit ayaw kong maging selfish kung ang mga taong nasa likod na nito ang usapan.
Isa si Arex sa kanila kaya at naniniwala akong hindi lang si Arex ay may mabuting puso. Sadyang sa simula lang ng pagmulat nila dito sa mundong ibabaw ay napaglaruan sila ng tadhana.“wala naman sigurong balak i-double dead ng kalaban yang kaibigan nyo diba ?? aba !! magkaroon naman sila ng kahihiyan na patayin ang taong halos patay na” biro ko. Ngumiti lang si Arex at saka pinitik ang tungke ng ilong ko sa di gaanong masakit na paraan, saka lumabas ng sasakyan at patakbong umikot sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.
“pusta ko black ang favorite color ni Mr. Jacolbia” saad ko habang papasok kami sa loob ng ospital at saka nginuso ang limang grandia na nakapark sa labas. Bahagya namang tumawa si Arex.

BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
RandomIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...