Chapter 25
"Arnold Bavier, isang kilalang negosyante at CEO ng isang TV station" panimula ni Marjan, "underground codename, Hades"
"who would have thought that he's the mastermind of all this shit ? he's so freakin near to us !!" reaksyon ni Deliv sa tabi ko.
"si Hades ang nagpapalakad ng pinakamalawak na drug delivery dito sa Pilipinas, pati ang pagbebenta ng mga illegal na armas" dagdag ni Marjan kasabay ng paglingon kay Mr. Jacolbia, "siya din ang taong nasa likod ng pagpatay kay Mrs. Jacolbia".
Napansin ko ang pagdiin ng mga kamay ni Mr.Jacolbia sa ibabaw ng mesa matapos marinig ang huling pangungusap na binitawan ni Marjan.
"siya ang nag ampon at kinikilalang ama ni Morisette Bavier" si Mor, isa rin siyang ispiya simula palang. Ang tanga tanga ko na ang lahat pala ng konektado sa kalaban ay abot kamay ko lang.
"and last..."
"the biological father of Reylec" dugtong ni Deliv.
Lalong dumiin ang pagkakapikit ng aking mga mata, hindi ko talaga matanggap na si Reylec ay isa sa kalaban. Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya kundi isa nang kapatid, isa sya sa mga taong hindi ako iniwan magmula ng magkamuwang ako sa mundo, isa siya sa mga humubog sa akin upang maging matatag sa kabila ng kakulangan sa aking pagkatao.
"h-hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon, kasama namin sa bahay ampunan si Reylec kaya---" ani Marjan na naglilingid ang luha.
"yeah right, you three came from the same orphanage but you doesn't have any idea what kind of a family did he came from and the reason why they left Reylec to that place" ani Deliv na nakatuon ang tingin sa lamesa.
"isipin man natin ng isipin kung kailan nagsimula tayong traydurin ni Reylec still wala na tayong magagawa" paliwanag ko kay Marjan. Alam ko malapit din sya kay Reylec dahil iisang bahay ampunan lang ang pinanggalingan namin.
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan naming apat na naputol lang ng isang malakas at biglaang pagbukas ng pinto. Agad kaming napalingon sa double door na nagbukas upang masilayan lang ang isang tauhan ng zephyr na hinihingal pa na tila nagmadali itong makarating sa silid.
"may dumating na signal sa system ng zephyr" paliwanag nito na halata ang kakapusan ng hininga.
Magsasalita pa sana ako patungkol sa signal na iyon.
"ang signal ay galing sa nawawalang cellphone ni Valerius" dagdag nito na nakapagpatayo sa akin at sa iba pa.
"anong oras eksaktong dumating ang signal at saang lugar ninyo na-track ??" mabilis na tanong ni Mr. Jacolbia na malalaki ang ginawang hakbang palabas sa silid na agad namang sinundan ng tauhan niya na nasa likod kami.
"12:36 pm po at sa Bacolod" sagot naman ng lalaki.
"kayong tatlo, ihanda ninyo ang sarili ninyo kayo ang mamumuno sa mga tao kong papupuntahin sa lugar. Alam nyo na ang gagawin nyo" ani Mr. Jacolbia.
"hold on, how sure we are that, this is not a set up for us to easily caught and die ??" singit ni Deliv na nagpatigil sa amin sa paglalakad.
"may punto si Deliv" ani Marjan na palipat lipat sa amin ang tingin.
"P*tang*ina !! set up o hindi, susugod ako !! kaligtasan ng asawa at anak ko ang nakasalalay dito !! ayaw kong maghintay na lang na bangkay na sila at pagsisihan to buong buhay ko!!" saad ko.
"so who is fuckin source of that signal?!!"
"si Reylec"
Panimulang imik ni Mr. Jacolbia na nagpalingon sa amin sa kanya. "oo anak siya ni Arnold, pero nasubaybayan ko ang paglaki niya. Maaaring naguguluhan lang siya ngayon pero anak ko sya, kayo anak ko kayong lahat !! hindi man dugo ko ang dumadaloy sa katawan ninyo pero lahat kayo anak ko !! May tiwala ako sa bawat isa sa inyo, maging kay Reylec, may tiwala pa rin ako sa kanya" buo ang loob na saad ni Mr. Jacolbia.
Matagal bago namin naintindihan ang mga sinabi ni Mr. Jacolbia pero sa huli ay iisa ang naging reaksyon namin, ang ngumiti.
Tama siya.
Maaaring ang nagawa lang niya ngayon ay dala ng damdamin niya, gaya ng pagdesisyon kong papatayin ko siya. Nadala lang ako ng galit ko.
Kilala ko si Reylec, sa amin siya. Hindi man kami tunay na magkakadugo pero, sa zephyr siya, sa amin siya, kami ang pamilya niya.
-----------------------------------------
Sinubukan kong sumilip sa maliit na butas meron sa pinto ngunit wala akong makita kundi kaunting liwanag lang ng ilaw ang aking nakikita.
Muli kong isinandal ang likod sa malamig na pader at maingat na hinaplos ang umbok kong tiyan.
"Exon, kapit ka lang ah ramdam ko susunduin na tayo ng daddy mo" bulong ko habang hawak ang tiyan kasunod ng pagngiwi ko dahil sa naramdaman kong sakit sa likod.
Ipipikit ko pa muli sana ang aking mga mata ng biglang tumunog ang lock ng pinto, palatandaang may papasok. Agad kong pinagdasal na sana'y hindi si Mor ang pumasok sapagkat alam kong sasaktan na naman niya ako.
"Lenie"
Ipinagpasalamat kong si Reylec ang pumasok.
"Reylec, p-pakawalan mo na ako"
Lumuhod ito sa harap ko saka may kinuha sa bulsa ng kanyang maroon na varsity jacket.
Isang baril.
Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong ang baril sa aking palad.
"iiwanan kong nakabukas ang pinto at kapag nakarinig ka ng putok ng baril, wag na wag kang lalabas hanggat hindi tumatahimik sa labas" bulong niya ng hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
"h-hindi ako marunong gumamit ng baril" nanlalaki ang mga matang sagot ko sa kanya habang umiiling.
"proteksyon mo lang ito, kung sakaling may isang tao na pumasok dito at gamitin kang panangga para hindi makabaril ang grupo nina Arex"
"darating na si Arex ??" tuwa at kaba ang pareho kong naramdaman sa balitang iyon.
Tumango si Reylec.
"nagpadala ako ng signal sa kanila para malaman nila kung nasan tayo"
"salamat" tangi kong nasabi sabay iyak.
"ngayon ang gusto kong gawin mo ay oras na nagpapalitan na ng putok sa labas at may pumasok ditong kalaban, itutok mo agad ito" ipinuwesto niya sa tamang paghawak ng baril ang kamay ko, "sabay kalabitin mo ang gatilyo" dagdag niya.
Hindi agad ako nakasagot, hindi ko kayang pumatay ng tao. Napansin marahil niya ang pag aalangan sa mukha ko.
"Lenie, gagawin mo ito hindi lang para sa sarili mo kundi para na rin sa anak mo" dagdag niya na nagpaalala sa akin ng kalagayan ko ngayon, hindi na lang ako nag iisa dalawa kami ni Baby Exon na dapat mabuhay. At unti- unti ay tumango ako.
"Good"
"ikaw ? pasaan ka ?" aniko.
"kailangan kong iligtas ang babaeng mahal ko"
Gagawin ko na din pong series ang limang ampon ng Zephyr, sana'y basahin nyo din ang ibang kwento. Salamat.
-A.K

BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
RandomIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...