CHAPTER 2
>Lenie’s POV<
“makukuha pa rin po ba namin yung bahay at lupa ??” tanong ko sa abogadong may hawak ng isyu ng mga naiwang yaman ng aming magulang. Ngumiti naman ito sa akin sabay pinakita sa akin ang isang papel.
“oo naman iha, kahit kasi hindi kayo yung tumira dun ng ilang taon ay sa inyo nakapangalan ang bahay at lupa kaya makukuha ninyo ito ng buong buo” paliwanag ni Atty. Del Frado, habang nakangiti. Nakahinga naman ako ng maluwag sa kaalamang iyon dahil sa dami kasi ng kayamanan namin noon ay naubos na lang ito nung namatay ang magulang namin dahil sa dami ng pinagkakautangan ng aking ama.
“ibabalita ko na lang po sa Ate Majie ko tapos siya na po ang bahala, salamat po sa pag aasikaso sa isyu ng aking magulang” aniko sabay tayo sa pagkakaupo at masayang nakipagkamay sa abogado namin.
“alam mo naman na isa sa pinakamahalagang kaibigan ko ay ang iyong ina” anito, “magmamadre ka na ba talaga, iha ?? sayang naman ang ganda ganda mo pa naman, bagay na bagay ka sa mga pageant gaya ng Ms. Universe” dagdag nito. Tumawa muna ako saglit at saka sumagot sa sinabi ng babaing abogado.
“si Ate Majie nga po na mas maganda sa akin ay hindi sumabak sa mga ganyan ako pa po kaya na sobrang mahiyain at gusto’y nakatago lang ang balat” biro ko.
“ohh siya kung yan talaga ang gusto ng diyos para sa iyo ay may magagawa pa ba ako??” saad nito kasabay ng pagkibit ng balikat. Pagkatapos ng paalamanan namin ay umalis na din ako sa condo unit ni Atty. Del Frado at saka sumakay sa elevator, sa halip na ground floor lang ang pindutin ko ay ang parking lot sa basement ang aking napindot. Nakatingin sa akin ang tatlong taong kasabay ko kaya napilitan akong panindigan ang pagbaba sa basement, aakyat na lang ulet ako. hehehe bobo ko kasi eeehhh !!
Pagkababa ko ng elevator ay sumulyap muna ako sa paligid, napakatahimik kahit na lahat ng ilaw ay bukas. Napakadaming mamahaling sasakyan ang nakaparada sa lugar na iyon, dati ay pangarap ko ding magkaroon ng kotse ngunit dahil magmamadre na ako, hindi na bagay sa akin ang ganung bagay. Hinanap agad ng mga mata ko ang hagdanan paakyat sa ground floor kung saan ay nandun ang main door, mabilis akong lumakad papunta sa kinaroroonan ng hagdanan ng makita ko ito hindi kalayuan sa aking kinatatayuan. Ngunit sa hindi sinasadyang pagliko ko sa likod ng isang sasakyan. .
BANG !!
Putok ng baril ang unang sumalubong sa akin, kasabay ang pagbagsak ng mulat ang mga mata ng isang lalaki at nasilayan ito ng aking mga mata. Nakatalikod sa akin ang bumaril kaya bale nakaharap sa akin ang pinapitukan. Gustuhin ko mang tumakbo ngunit tila nabato ang aking katawan mula sa aking kinatatayuan, ni ang paggalaw ko ng aking mga daliri ay hindi ko agad naigalaw.
Lalo na ng humarap sa akin ang bumaril ay mas lalo akong nabato sa aking kinatatayuan, ang iniisip ko ay papaputukan din niya ako para hindi ako makapagsumbong dahil iyon naman talaga ang ginagawa ng mga tulad niyang mamamatay tao upang makaiwas sa pagkakakulong, pinapatay din nila ang nakakita ng pangyayari.

BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
RastgeleIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...